ICC, 'di nagbigay ng petsa... Du30, health check muna bago trial
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 28, 2026

Photo: ICC
Ipinagpaliban ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber 3 ang pagtatakda ng petsa ng paglilitis kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang hinihintay ang muling pagsusuri ng mga eksperto sa kanyang kakayahang humarap sa paglilitis o “fitness for trial”.
Ayon kay ICC Judge Joanna Korner, muling magsasagawa ng pagsusuri ang tatlong eksperto na nauna nang tumingin sa kalagayan ni Duterte noong confirmation proceedings kaya’t hindi na nila kailangang balikan pa ang lahat ng background ng kaso.
Sinabi rin ni Korner na nais muna niyang makita ang lahat ng medical reports bago magpasya ang korte hinggil sa susunod na hakbang sa paglilitis.
“I’d rather wait and see all the reports before we make the decision. I only hope they can carry out the assessment with some speed,” ani Korner.





Comments