Ibinulgar ni Zanjoe... SUE, FAN LANG NOON, JODI, BINABATUKAN NA NGAYON
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 9, 2022

Asar-talo si Sue Ramirez kay Zanjoe Marudo sa nakaraang finale mediacon ng The Broken Marriage Vow dahil nagkuwento ang dalaga kung paano niya unang nakilala si Jodi Sta. Maria.
Naibahagi ni Sue na 11 years old pa lang siya nang manood ng taping ni Jodi na Tayong Dalawa nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa village nila noong 2009.
“So, nagte-taping sila sa village namin sa Parañaque, tapos sabi sa akin, ‘Nandoon si Jodi Sta. Maria.’ So, nag-bike talaga ako simula sa bahay namin hanggang sa set nila na medyo malapit lang tapos nanood ako ng taping nila.
“Tapos, baby pa si Thirdy nu’n, lumapit ako sa kanya (Jodi), tapos piniktyuran ko sila, hindi ako nagpa-picture. Piniktyuran ko lang talaga sila ni Thirdy.
“Alam mo ‘yung 'pag binabalikan ko ‘yung mga ganu’ng moments, tapos ngayon, ‘yung relationship namin ni Ate Jodi, grabe, sobrang hindi ko talaga ever in-imagine na ‘yung mga panahon na ‘yun that I will be working with her on this project,” kuwento ng aktres.
Sabay hirit ni Zanjoe ng, “Tapos ngayon, binabatukan mo na lang.”
May eksena kasing binatukan nang todo ni Sue si Jodi nang ibulgar na kabit siya ng asawa nitong si David Ilustre na karakter ni Zanjoe.
Nagkatawanan ang lahat at nahiyang bigla si Sue kay Jodi habang nakatingin sa kanya.
Anyway, sa huling tatlong linggo ng TBMV ay natanong ang cast na sina Zanjoe, Sue, Ketchup Eusebio, Zaijian Jaranilla, Jane Oineza at Jodi kung ano ang natutunan nila sa mga karakter.
Ginampanan ni Jane ang karakter na Diane Riagon na tumulong kay Dr. Jill Ilustre para makumpirma ang pagtataksil ni David.
“More on learning to love herself and unahin din ‘yung sarili and what she needs and learning to let go of someone that you love kasi hindi talaga kayo swak or hindi n'yo nalalabas ‘yung best ng isa’t isa,” sabi ng dalaga.
Si Sue bilang si Lexy na kabit ni Zanjoe, “You also have to learn how to listen to the people around you. ‘Yung siguradung-sigurado ka na hindi ka ile-let down. your parents, how si Lexy was loved by her mom and her dad.
“You really have to give value to the people who take care of you and hindi mo lang puwedeng ipilit nang ipilit ‘yung gusto mo. Aabot ka talaga roon sa point na kailangan mo nang mag-decide at kailangan mong makinig sa mga taong nagmamahal sa 'yo. Kailangang tantiyahin mo rin kung kailan mo kailangang makinig.”
Naniniwala naman si Ketchup bilang si Charlie na walang magandang dulot ang pangangaliwa sa asawang si Bianca Manalo as Carol.
“Hindi mo talaga mabibigyan ng justice ‘yung infidelity pagdating sa pamilya. Magiging baon ko ‘yun lalo na’t bumubuo ako ng sarili kong pamilya. Lesson learned para kay Charlie.”
Ang nag-iisang anak na si Zaijian as Gio, “Si Gio, parang bine-blame niya lagi ‘yung sarili niya kung bakit nangyari ‘yun sa family niya kaya naging open-minded siya, ‘yun ‘yung natutunan ko kay Gio, lalung-lalo na ‘yung pag-control ng emotions niya.”
Bilang David naman, ani Zanjoe, “Kung anuman ‘yung pinakamapait o kung anuman ‘yung hindi magandang nangyari sa past lalo na nu’ng ikaw pa ‘yung anak, tapos ikaw na ‘yung bumubuo nu’ng pamilya, sana huwag mo nang bitbitin.
“Huwag ka nang maghiganti, huwag mo na siyang dalhin sa susunod na chapter ng buhay mo kasi ikaw naman talaga magdi-direct kung saan ka pupunta… Nasa sarili mong desisyon ‘yun, lahat ng bagay. Kasi kung punumpuno ka ng galit at paghihiganti, pati mga taong kasama mo sa present, maaapektuhan, madadamay, lalo na ‘yung magiging anak.”
At si Jodi as Dr. Jill, “Our lives will only move in the direction of our decisions so we have to really choose wisely.
“Choose our battles if you’re given the chance to fight or to let go, that’s up to you. But if you were given the chance to treat the person the same way that person treated you, I always hope that we choose the high road and we always choose to do better."
Napapanood pa rin ang The Broken Marriage Vow weeknights sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, at TV5, available rin sa iWantTFC at Viu.





Comments