Ibinulgar ni Sunshine… CESAR, NAG-50-50 SA COVID
- BULGAR
- Jul 16, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 16, 2023

Kuwentong healing sa paghihiwalay nila ni Cesar Montano ang isa sa mga napag-usapan sa interview ni Karen Davila kay Sunshine Cruz na ipinalabas sa vlog ni Karen.
Kasama sa mga nai-share ng aktres ang pagmu-move on from the breakup of her marriage.
Ayon kay Sunshine, mahirap ang hinarap nila sa hiwalayang ‘yun.
“It was hard kasi pride ‘yung nangibabaw sa amin that time ni Cesar. Kailangang masaktan namin ‘yung isa’t isa, mapahirapan namin ‘yung isa’t isa, ‘yun ang nangibabaw sa amin,” panimula ni Sunshine.
Dagdag pa ng aktres, “I wanted my freedom, he wanted his kids back, I wanted the kids for myself, so ang hirap-hirap talaga that time.”
Naikuwento rin ni Sunshine noong nagka-COVID-19 si Cesar at muntik na raw ma-intubate.
“After that, I don’t know, siguro darating sa ganoon, naging closer sila to him. And everytime they go out, lalabas, mag-dinner, nakikita ko gaano kasaya ang mga anak ko everytime na kasama nila ang tatay nila.”
Willing si Sunshine na maging civil kay Cesar para sa mga anak nila kahit noon pa naman daw.
“Puwede naman kahit maging civil muna tayo for the kids, kasi mahal naman ng mga anak ko si Cesar talaga. Never kong tinuruan ang mga anak ko na magalit sa tatay nila.”
Masasabi ni Sunshine ngayon na nag-heal na siya mula sa mga pinagdaanan nila ni Cesar sa breakup ng kanilang marriage.
“Lahat ng pain, lahat ng sugat, kahit nga ang sugat, eh, naghi-heal ‘yan. ‘Yun ‘yung dumating sa akin. Nakita ko lalo na ‘yung mga bata, ‘pag kasama nila ‘yung tatay nila, they’re very happy, so bakit ko ipagkakait ‘yun sa mga bata? Eventually, you wake up one day that you’re healed.”
Maganda ang dulot kina Sunshine at Cesar na nagkapatawaran na sila dahil pareho silang sinusuwerte sa kani-kanyang career. Si Sunshine, nasa Unbreak My Heart at may ginagawa pang pelikula.
Si Cesar, sunud-sunod din ang pelikula at balik-telebisyon na rin sa TV remake ng Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan na airing sa TV5 simula July 25, 4:40 PM kasama sina Marco Gumabao at Cristine Reyes.





Comments