Ibinulgar ni Remulla... Romualdez, lalaya raw sa piyansa

ni BRT @News | November 29, 2026

Photo: File / Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla at dating House Speaker Martin Romualdez sa loob ng New Quezon City Jail
Ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may kumakalat umanong impormasyon sa judicial at legal circles na posibleng makapagpiyansa si dating House Speaker Martin Romualdez.
Si Romualdez ay kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
“Baka raw makakuha ng piyansa 'yung isang suspek na nakakulong ngayon na malaki, the biggest, in other words, si Martin Romualdez,” ani Remulla.
Tinawag ng Ombudsman na propaganda ang pagpapakalat ng naturang impormasyon upang umano’y makondisyon ang publiko sa posibilidad na makapagpiyansa ang dating House Speaker.
“Pinapakalat nila 'yan. Propaganda. Parang gusto nilang kondisyunin na huwag kayong magugulat kung makakuha ng [piyansa], pero kami we’re vigorously opposing that,” giit ni Remulla.





Comments