top of page
Search
  • BULGAR

Ibinulgar ni Ogie… SARA, TAMEME NA TIBO ANG THIRD PARTY SA HIWALAYAN NILA NI RICHARD

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 19, 2023




Hindi pa man nagbibigay ng official statement si Sarah Lahbati sa hiwalayan issue nila ni Richard Gutierrez, heto at may bagong issue na namang ibinabato sa aktres.


Pagkatapos ngang kumalat ang ‘waldas issue’ at bugbugan thing, isa pang nakakalokang isyu na hinihintay ang sagot ni Sarah ay ang pagkaka-link daw niya sa isang tibo.


Yes, tibo, tivoli o pards para sa ilang members ng LGBTQIA+ community.


Ang dami ngang naintriga sa ibinalita nina kapatid na Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang YouTube Channel vlog na Showbiz Update na si Sarah daw ang may third party kaya sila naghiwalay ni Richard, pero hindi lalaki kundi tibo ang sinasabing karelasyon daw ngayon ni Sarah.


Sa latest post tuloy ni Sarah sa kanyang Instagram account, inulan ng tanong at pang-uusisa ang aktres tungkol sa isyung ito, pero wala ni isang ni-reply-an ang misis ni Richard at waring gusto na lang nitong dedmahin ang kaliwa’t kanang isyu na ibinabato sa kanyang pagkatao.


Kaya lang, ang mga fans ang naaawa kay Sarah dahil kung anu-ano na lang daw ang ibinibintang sa kanya pero hindi naman siya dumedepensa.


Well, malay naman natin, baka naman humahanap lang din ng right timing at tamang panahon si Sarah sa kanyang ‘pasabog eklavu’, devah?!


Remember, ‘di pa tapos ang 2023… baka gawing paputok ni Sarah sa New Year ang kanyang big reveal, hindi kaya?


Abangers tayo, mga Ka-Bulgar!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page