top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ibinulgar ni Ogie... LIZA, NAKAPIRMA NA NG KONTRATA SA SIYETE, LUMIPAT PA SA DOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 14, 2021




Ayon kay Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano, unang napunta sa GMA-7 ang young actress bago pa naging talent ng Star Magic.


In fact, nakapirma na nga raw noon ng kontrata si Liza sa Kapuso Network. Kaya raw nakawala sa kontrata ang aktres ay dahil may nakalagay na balido ito within 30 days period.


Nang malaman ito ni Ogie ay pinayuhan niyang magpa-release agad sa pinirmahang kontrata at dinala nga niya si Liza sa ABS-CBN at du’n na nabigyan ng break.


Sinuwerte naman na nagklik ang LizQuen tandem nina Liza at Enrique Gil at nakipagsabayan sa tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Naging mabenta rin bilang product endorser si Liza at naging cover ng mga movie magazines.


Ngayon ay malayo na ang narating ni Liza at isa siya sa mga artistang nagtataglay ng magandang mukha.


Sadyang may kani-kanyang destinasyon ang mga baguhang nangangarap na sumikat sa showbiz.


Hindi man siya naging Kapuso, maaalala pa rin niya na rito siya unang dinala ng kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page