Ibinulgar ni Ogie… HEAVEN, DYOWA NA SI JAMESON
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 4, 2022

Ibinulgar ni Ogie Diaz na sina Heaven Peralejo at Jameson Blake na.
Isa sa mga naging topic ng Showbiz Update YouTube channel nina Ogie at Mama Loi ay ang namumuong relasyon umano nina Heaven at Jameson.
Ayon sa batikang manunulat-talent manager-cum vlogger, galing daw sa kanyang reliable source ang balitang may relasyon na ang dalawa.
Dating manager ni Heaven si Mama Ogs. Aniya, kukumpirmahin pa raw niya sa aktres kung totoong sila na nga ni Jameson.
Si Kiko Estrada ang last boyfriend ni Heaven. Panandalian lang ang naging relasyon ng dalawa.
Anyway, kung totoo ngang si Jameson ang BF ngayon ni Heaven ay wala namang masama. Dalaga si Heaven at binata naman ang actor.
May payo lang si Mama Ogs sa dating alaga bilang dati nitong manager.
"Kailangan, may mystery ka pa rin. Nabalitaan ko, ayon sa aking very reliable source, ang jowa raw ngayon ni Heaven Peralejo ay si... si Jameson Blake!"
"Totoo ba 'yan, anak?" tanong ni Mama Ogs kay Heaven.
Samantala, sa 'jowa challenge' sa YouTube channel ni Heaven kamakailan, kapansin-pansin umano ang sweetness ng dalawa gayung wala pang kumpirmasyon sa totoong estado ng kanilang relasyon.
May pa-holding-holding hands daw ang mga ito. So, 'yun na!





Comments