IBINULGAR NI MARC: KRIS, 'DI NATULOY MAGPAOSPITAL SA TATE DAHIL SA COVID
- BULGAR
- Mar 17, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 17, 2024

Photo: Marc Leviste / FB
Four years na ang nakalipas pero hindi pa rin tumitigil ang pagkalat ng COVID-19. Bagama't hindi na ganoon karami ang tinatamaan ng salot na virus na ‘to rito sa atin, pero kumakalat pa rin pala siya hanggang ngayon sa ibang bansa.
Nalaman namin ito dahil sa latest update na ibinigay ni Vice-Governor Marc Leviste sa health condition ng girlfriend niyang si Kris Aquino na nasa Amerika for a medical treatment.
Ayon kay Marc sa isang interbyu, pinostpone raw ni Kris ang naka-schedule niyang hospital confinement sa Los Angeles, USA. Ang rason, dahil sa COVID alerts sa medical facility ng ospital.
But ang good news na naipabatid ni Marc sa mga fans ni Kris, kinakaya pa rin daw ng TV host- actress ang pagpapagamot sa Amerika.
Mabuti na lang daw at nasa US pa si Marc nu’ng sabihan sila ng ospital tungkol sa balitang may kumalat na COVID sa kanilang medical facilities.
At dahil ‘di natuloy ang hospital confinement ni Kris kaya nagdesisyon si Marc na umuwi muna ng Pilipinas. But, anytime raw na kailanganin siya ni Kris na magpunta sa Los Angeles, he will give it his utmost priority.
Plano raw ni Marc na bumalik ng Amerika pagkatapos ng Holy Week.
Sey n’yo? Magastos na love affair, hah?!
Buti na lang, maraming pambayad ng tiket sa eroplano si Marc.
At habang wala naman sa US si Marc, kahalinhinan niya na makasama ni Kris ang kanyang mga sisters at ibang kaibigan nila, para hindi raw sabay-sabay sa pagbisita kay Krissy at para natitiyak na may kasama ito sa US, bukod sa anak nitong si Bimby.
Puring-puri ni Marc si Bimby na “Very responsible for his age” at pag-aalaga ng mabuti sa kanyang ina.





Comments