IBINULGAR NI LIZA: OGIE, KUMIKITA PA RIN SA AKIN, SINISIRAAN PA AKO
- BULGAR
- Mar 15, 2023
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 15, 2023

Sa second part ng interview ng King of Talk na si Boy Abunda kay Liza Soberano sa Fast Talk with Boy Abunda, may bago na namang rebelasyon ang aktres.
Tuloy, hindi na talaga malaman kung ano talaga ang motibo ni Liza sa pag-alis sa ABS-CBN at sa manager niyang si Ogie Diaz.
Ayon sa aktres, sinungaling umano ang dati niyang manager.
“It actually hurts me that he’s making up those lies about me... Why is he trying to say things to make people turn against me?"
Naging personal na ang mga tanong sa kanya ni Kuya Boy kabilang na ang tungkol sa relasyon niya kay Ogie at maging ang usaping pera ay naungkat din matapos batikusin ang aktres sa kanyang controversial vlog.
Aniya, "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."
Nag-ugat ito nang may nag-tweet na netizen patungkol sa umano'y 40 percent na komisyong nakukuha ni Ogie kay Liza.
Tweet ng netizen, "Ang lala nu’ng 40% commission. Ang laki talaga ng nawawala sa kanya.
Wala pa diyan ‘yung sa SM (Star Magic). Tapos ‘yung isang brand na umatras kasi nagpadagdag ng TF si OD kahit ok na kay Liza ‘yung offer."
Sinagot ni Ogie ang lahat ng paratang ng netizen.
Sinang-ayunan naman ni Liza si Ogie nang makapanayam siya ni Kuya Boy.
Ayon sa aktres, hindi totoong 40 percent ang nakukuhang komisyon ni Ogie sa kanya.
Wika niya, “Nakita ko rin po ‘yun sa Twitter. I think people are accusing Tito Ogie of taking 40 percent from me. I wanna clarify na hindi rin po ‘yun totoo.
"I started with him at 12 [years old] and then up until I was... I believe 2015 or 2016, which was I was 17, 30 percent po ‘yung commission niya sa akin.
"My Tita Jonie was taking 20 percent, and Star Magic was taking 10 percent."
Ang tinutukoy na Tita Jonie ni Liza ay ang tumatayo niyang road manager at personal assistant.
Dahil daw sa hiwalay na tax na binabayaran ni Liza bilang U.S. citizen, umaabot na lang sa 30 percent ang nakukuha niya.
"My Tita Jonie started feeling bad for me for that situation, so nag-usap po sila ni Tito Ogie na bawasan na lang ‘yung commissions nila for me.
"Because they felt, like, I deserved more since I was putting in a lot of work.
"So, eventually, naging 20 percent na lang si Tito Ogie, at si Tita Jonie naging 15 percent... And Star Magic was still at 10 percent."
Pero hindi raw kumukuha ng commission ang Star Magic kapag ang project ni Liza ay mula sa ABS-CBN, gaya ng teleserye o pelikula.
Sa kaso ng bago niyang management na Careless Music and Management, ang bawas daw sa talent fee ay kapareho lang ng kinukuha sa kanya ni Ogie noon. Eighty percent na lang ang napupunta sa kanya, at 20 percent naman sa Careless.
Natanong din ng TV host ang naging pahayag ni Ogie na hindi na siya kumukuha ng komisyon kay Liza nitong nakalipas na dalawang taon.
“Nabasa ko rin na in the last two years, correct me if I’m wrong, na hindi na kumokolekta ng komisyon si Tito Ogie mo. Is that right? Is that wrong?” tanong ni Boy.
Umiling ang aktres at mahinang sinabi, “It’s not right. That’s incorrect.”
“It actually hurts me that he’s making up those lies about me...
“I feel like he’s trying to make it seem like I wasn’t profitable in the past two years that we were working together when he knows the truth.
“He knows my pains. He knows the things that I felt were... the things that were mishandled and stuff like that.
“It’s kinda unfair... I feel like he’s trying to tarnish my name. And he knows.”
Aniya pa, "I don't wanna bring this up but he still gets commissions from some of the endorsements of mine that still fell under the time that I was under the contract with him, even though he has no more obligations.
"We told him that he has no more obligations towards me in those endorsements.
"Literally last month we gave him a paycheck for the endorsement that was renewed before our contract ended.
“Kahit na wala na po siyang ginagawa for that, we gave him commission. Because that was right.
I wouldn't breach my contract."
Sundot na tanong pa ni Boy, "So, that was the last time you paid commission to your Tito Ogie?"
"He's going to get another one this week," sambit niya.
Aminado ang aktres na may tampo siya ngayon sa dati niyang manager.
Naku, hanggang kelan kaya matatapos ang isyung ito tungkol sa mga rebelasyon niya about her showbiz career?





Comments