top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ibinulgar ni Direk Lino… HEAVEN, SI IAN ANG BAGO

BULGAR
Jul 6, 2022
1 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | July 6, 2022



Pagkatapos ng kanyang three-year term bilang mayor ng Taguig, balik-showbiz na si Direk Lino Cayetano.


Inamin niyang nag-give way siya kay Taguig Mayor Lani Cayetano na misis ng kanyang kapatid na si Cong. Alan Peter Cayetano.


No hard feelings naman daw kay Direk Lino ang pagpapaubaya sa kanyang hipag dahil mas love talaga ng magaling na director ang paggawa ng mga TV shows at pelikula.


Kaya although mami-miss din niya ang public service ay excited din siya sa kanyang pagbabalik-showbiz at looking forward na sa mga proyektong gusto niyang gawin.


And this time, hindi lang basta direktor si Direk Lino kundi producer na rin at katuwang niya sa bagong movie na kanilang gagawin under Rein Entertainment ang dalawang kapwa niya direktor na sina Direk Shugo Praico at Direk Philip King, na una nang nakilala sa paggawa ng award-winning film na Bagman na pinagbidahan ni Arjo Atayde.


For his comeback film, sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo ang napili ng tatlong magagaling na direktor para magbida sa kanilang suspense-thriller film na ang tentative title ay Nanahimik ang Gabi.


Last week of July na raw ang target nilang pag-uumpisa ng shooting sa Tagaytay at sabi nga ni Direk Lino, socio-political films ang mga gusto niyang gawin na makakapag-iwan ng tatak sa ating industriya at puwedeng kilalanin globally tulad ng mga kinalolokohan ngayong K-pop series.


Pramis ni Direk Lino, ia-update niya ang press people sa mga kaganapan sa kanilang movie na unang tambalan nga nina Ian at Heaven kaya nakakaintriga rin kung may chemistry sila, ha?!


So, abang-abang na lang tayo, mga ka-Bulgar!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page