top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

IBINULGAR NI CRISTY: SINA OGIE AT GAB ANG SINUMBATAN NI WILLIE MATAPOS TULUNGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 11, 2023




Ayon sa batikang manunulat na si Cristy Fermin, dapat ding humingi ng tawad si Willie Revillame kina Ogie Diaz at Gab Valenciano na binanatan din ng TV host at sinumbatan on national TV sa nagawang tulong nito.


Bagama’t walang tinukoy na pangalan si Willie sa mga personalidad na sinumbatan niya, pinangalanan ito ni 'Nay Cristy sa kanyang Cristy Ferminute program.


Matatandaang sinabi ni Willie na may isang reporter na tumakbong konsehal noon na binigyan daw niya ng P50,000 pero ngayon ay tinitira siya. At meron din daw celebrity na magaling sumayaw na kanyang tinulungan noong ikinasal ito kung saan ipinagamit niya ang kanyang bahay sa Tagaytay.


“Ang paghingi ng tawad ay dapat pakete. Marami kang sinaktang tao… si Ogie Diaz na binigyan mo ng singkuwenta mil nang tumakbo siya bilang konsehal na sabi mo nga ay natalo.


“Nu'ng mga panahong iyon, Willie, kung naaalala mo pa, hindi ka pa masyadong malaking-malaking artista, isa si Ogie Diaz sa mapaninindigan ko na tumulong sa iyo nang pagkalaki-laki kaya ‘yung singkuwenta mil na isinumbat mo sa kanya, kulang pa 'yun,” saad ni Nanay Cristy.


“At may nagtatanong sa akin, sino ba 'yung celebrity na nakitulog pa sa 'yo ang magulang.


Pinangalanan mo na lang sana na ang tinutukoy mo ay si Gab Valenciano na anak ni Gary at Angelie na ginamit ang bahay mo sa Tagaytay,” patuloy niya.


“Sana, lahat ng mga taong nasaktan mo, lapitan mo na rin, humingi ka na rin ng pasensiya o tawad sa kanila… Ang puso ko, ang puso ni Ogie, ang puso ni Gab Valenciano, iisang hulma lang 'yan, hindi magkakaiba, iisang suntok lang ang puso naming lahat.


“Lahat kami, nasaktan. Sana, 'yung gamot na inilapat mo sa puso ko, 'yun din ang ilagay mong gamot kina Gab at Ogie Diaz,” pahayag pa ni Nanay Cristy.


Ikinorek din niya ang sinabi ni Willie na tinulungan at binigyan niya ng P10,000 monthly ang mga reporters noong pandemya.


“Ako na po ang magkokorek, hindi po totoo ang kanyang sinabi na sa loob ng 2 taon na umiiral ang pandemya ay nagpapadala siya ng sampung libo sa mga reporters.


“Isa pong malaking kalokohan ‘yun. Alam na alam ko po, at hindi po 'yan tumagal nang isang taon, mga ilang buwan lang po 'yan,” paglilinaw ni 'Nay Cristy.


Although nakatulong naman daw si Willie sa mga reporters, malaki rin naman ang naitulong ng mga ito sa kanya.


“Lumagay po tayo sa tama. Pinagmumukha naman kasi na ang mga reporters ay hindi kakain nu'ng pandemya kung hindi magbibigay ng sampung libo raw itong si Willie Revillame.


“Pero kuwento niya 'yun, siya ang bida. Ako na ang nagsasabi, hindi po totoo 'yun,” dagdag pa ni Nanay Cristy.


Nilinaw din niya na hindi totoo na wala siyang natatanggap na pasasalamat mula sa mga natulungang reporters.


“'Wag mong gawing sinungaling ang mga manunulat. Sa bawat text nila sa akin ng pasasalamat, ipinararating ko sa iyo at sabi mo naman: Hehehe, ok lang… hehehe,” pagkokorek pa ni Nanay Cristy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page