top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ibinulgar ni Cristy… RABIYA, NABUKING ANG MGA BAKLA SA BUHAY NI JERIC KAYA NILAYASAN

BULGAR
Jun 21, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 21, 2022


Palaisipan ngayon kung sino ang mga bading na diumano ay nakarelasyon ng aktor na si Jeric Gonzales pero itinanggi naman daw niya.


Matagal nang may isyung may naging malapit na kaibigan si Jeric na negosyante at producer pero idini-deny daw nito.


Sa latest vlog na Showbiz Now Na YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ay ito ang paksa nila at ikinuwento na ng batikang manunulat ang nalalaman niya tungkol sa karelasyon ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.


Muling naungkat ang tsikang pumapatol sa gay si Jeric nang mag-viral ang larawang may kahalikan siyang lalaki at may suot pa silang singsing na magkapareho na kuha naman daw sa isang indie film many years ago.


Sabi ni Nanay Cristy, “Hindi nakaganda ‘yung paglabas ng picture, ‘yung tungkol sa tinakpan ‘yung mukha ng beki. Hindi nga natin alam kung totoong beki nga.”


Dagdag naman ni Morly, “May singsing pa, ‘no?”


“Identical ring, paano natin ipapaliwanag ‘yun?” tanong naman ni Romel.


Balik-tanong ni Nanay Cristy, “Ano ang masasabi ninyo kay Jeric kasi tuwing may makakarating kay Rabiya tungkol sa pamamakla ni Jeric Gonzales, nagbabanta siyang umalis, makikipag-break! At ang balita nga, iniwan na si Jeric, tapos makalawa, sila na naman.”


“Bakit ang kuwentong ito, nakakasawa na? Bakit parang nilalaro yata tayo, hindi sila?” sambit ni Romel.


Naalala ni Morly na nabuksan ni Rabiya ang cellphone ng aktor at nabasa niya ang mga messages nito.


“Eh, kilala ni Rabiya itong beki at iyon ang pinagsimulan ng unang pag-aaway ng dalawa dahil natutunugan ni Rabiya na may mga past beki sa buhay (ni Jeric),” sabi ng radio host-vlogger.


Dagdag ni Nanay Cristy, “May mga pailalim na kuwento na hindi sinabi sa kanya?


"Okay! Siguro, lalo na 'pag nakarating sa kanya ‘yung kilala namin ni Japs talaga, matindi ito.”


Sundot ni Morly, “'Yung nagbigay ng vroom-vroom (motorsiklo)?”


“Alam mo, Morly, kapag inilista ko lahat-lahat, baka mula ru’n hanggang dito (sabay turo), kulang.


“Ito ay idini-deny ni Jeric Gonzales, oo, kayang-kaya niyang i-deny na hindi raw totoo ‘yun. Nakarating na kay Rabiya 'yan, eh.


“Naku, Jeric, huwag ka namang ganyan. Hindi naman kami ipinanganak kahapon. Gusto mo, pati mga resibo na inililipat sa account mo, alam namin! At nangako kang ‘oo’ pero hindi mo ginawa!


“Gusto mo, pati pakiusap sa ‘yo nu’ng asawa nu’ng negosyante na kung maaari ay iwanan mo ‘yung asawa niya ay alam namin,” kuwentong pasabog ni ‘Nay Cristy.


Sabi pa, “Kaya nagalit ‘yung asawa, pinalayas sila sa bahay. Siya ‘yung nakabasa ng lahat-lahat ng tsu-tsu-tsu, kailangan ko ng ganyan. At may karelasyon siyang aktres noon, si Sheryl (Cruz).


“Oo nga, wala namang inamin itong si Jeric. Naging sila talaga, oo naman. Si Sheryl ang dahilan kung bakit sila nag-away nu’ng negosyante.


“Nasa Japan sila (kasama ang negosyante), nagpadala ng picture si Sheryl (kay Jeric), iniwan niya ‘yung businessman sa Japan at umuwi siya rito, walang sabi-sabi. At lagi siyang kasama nu’ng pamilya kapag nag-a-abroad at ipinakikilala na kaibigan siya nu’ng businessman.


“Alam mo, may mga tao sa tabi ni Jeric na (nagsasabing) ang lahat daw ay paninira lamang kahit naman itong huli (kaibigan ni Jeric) ay producer ito, nagkatuwaan lang daw.


“Gagawin mong katatawanan ang buhay mo na magsusuot kayo ng singsing na identical at maghahalikan kayo at tatakpan ‘yung isa, 'di ba?” pagtatapat ng kolumnista.


Hinaing naman ni Romel, “Alam mo, always kawawa ang mga bakla talaga sa relasyon, puwedeng-puwede tayong i-deny kahit na buong buhay mo, naibigay mo na lahat-lahat, kahit huling singko sa bulsa mo, naibigay mo na.”


Matagal na raw na may ganitong isyu si Jeric simula pa noong sumasali siya sa mga pakontes.


“Paano niya ide-deny ‘yun? Paano niya masasabing hindi siya namamakla, eh, totoo naman siyang namamakla?" diretsahang sabi ni Nanay Cristy.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Jeric Gonzales.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page