Ibinulgar ng BF na si Marco… CRISTINE, NANGINGINIG KAPAG NAGSESELOS
ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 26, 2023

Ibinulgar ng hunk actor na si Marco Gumabao na selosa pala ang girlfriend niyang si Cristine Reyes.
Naging guest ang celebrity couple sa Lie Detector Test challenge ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel kamakailan.
Ito ang kauna-unahang guesting ng celeb couple mula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon.
Ayon sa hunk actor, selosa si Cristine at totoo naman ang lumabas na resulta nang idaan ito sa lie detector test.
Inamin din ng aktres na talagang selosa siya, pero nasa lugar naman daw.
Esplika ni Cristine, nanginginig daw ang katawan niya kapag nagseselos at kailangang pag-usapan nila kaagad ang tungkol dito. Sinusuyo naman daw agad ni Marco ang girlfriend kapag nagseselos ito.
Ibinahagi rin ng hunk actor na malapit siya sa anak ni Cristine na si Amarah. Lagi raw niyang binibisita ang mag-ina. Natutuwa naman daw ang aktres na makitang malapit sina Marco at Amarah sa isa't isa.
Si Amarah ay anak ng aktres sa ex-husband nitong si Ali Khatibi. Inamin naman ni Cristine na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng dating mister, kung saan ikinasal sila noong 2016 sa isang beach wedding sa Balesin.





Comments