Ibinulgar ng aktor, naghubo't hubad agad…

BAGO NI PAULO, LAKAD-MATON NA, KANTO GIRL PA KUNG MAGSALITA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 9, 2020

Ang lakad-maton at pananalitang-kanto ang dahilan kung bakit si Charlie Dizon ang napiling bida sa pelikulang Fan Girl ni Paulo Avelino mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.
Sa virtual mediacon ng Fan Girl nitong Lunes ng umaga ay inamin ni Direk Tonette na hindi si Charlie ang una nilang napili. Ang first choice ay nagkaroon ng problema sa kontrata kung kailan naka-set na ang shooting.
Kuwento ni Direk Tonette, “'Yung first leg ng auditions, may napili na kami. From 670 girls, we trimmed it down to 20, tapos naging 10, tapos naging seven. 'Yung seven na ‘yun, pinag-acting workshop namin sila, tapos ‘yung last was a workshop with Pau para makita namin ‘yung chemistry. Pumili kami ng isa. Sa last minute, there were contract problems, so she had to back out.
“Naka-set na kasi ‘yung first shooting day namin, hindi na namin puwedeng mabago, kasi tatlong beses na kaming napa-pack-up for one reason or the other. Siyempre, ‘yung budget, lolobo. Madalian, nag-call kami ng one more leg of auditions, doon pumasok si Charlie.”
At nang um-enter na si Charlie sa audition room ay hindi nagustuhan ni Direk Tonette ang hitsura nito dahil naka-heavy make-up.
“Parang commercial na go-see ‘yung pupuntahan. Kakalagay pa lang ng pilikmata niya. Sabi ko, ‘Ay, hindi puwedeng naka-make-up. Gusto kong makita ‘yung bare.’ Kasi sa pelikula, bare lang dapat. Hindi siya artista rito, fan girl siya. Nagtanggal siya ng makeup, tapos pumasok ulit siya,” balik-alaala ng direktora.
At nang bumalik sa audition room si Charlie ay napansin na kaagad ni Direk Tonette ang lakad-maton niya.
“Ang naalala ko talaga sa kanya, ‘yung lakad niya. ‘Yung lakad niya, lakad-kanto, tapos kung paano siya magsalita, akala ko kasi sa hitsura niya, very mahinhin. Pero nu’ng nagsalita siya, salitang kanto rin. So, sakto sa naiisip kong fan girl,” nakangiting sabi ng direktora.
As "Paulo Avelino, the actor" ang karakter ni Pau kaya nang makita niya si Charlie ay alam na niya kung bakit pumasa ito sa audition.
“Cute. Kasi ‘yun naman po ‘yung hinahanap. Kailangan, mukhang high school, inosente ‘yung hitsura, at the same time, nakatira sa hindi magandang environment ‘yung bata. Nu’ng nakita ko si Charlie at nakausap ko na siya, nakita ko rin kung bakit siya ‘yung pinili ni Direk Tonette,” pahayag ng aktor.
Habang nagkukuwento sina Direk Tonette at Paulo ay ang ganda ng mga ngiti ni Charlie.
“Hindi rin po ako makapaniwala, actually. Nu’ng ginagawa pa lang namin ito ni Direk Tonette, kapag halimbawa, may eksena ako, inire-remind sa akin ni direk na, ‘Oh, finally ito ‘yung first lead film mo.’ Doon pa lang nagsi-sink in.
“Sobrang saya ko talaga na nabigyan ako ng chance and opportunity na ganito, hindi ko rin akalain na lalabas na this December, tapos sa MMFF pa. Lahat ng nangyayari sa Fan Girl, surprise po sa akin,” sabi ng dalaga.
Samantala, true-to-life experience rin ni Charlie ang karakter niyang fan girl dahil fan talaga siya at nagsimula ito noong elementary siya.
“Grade 4 po ako noon, pumunta po ako sa mall show ni Richard Gutierrez dito po sa mall malapit sa amin, so na-experience ko po talaga ‘yung makipagsiksikan sa mall show at nakasali po ako sa games and nakapunta pa po ako sa backstage nu’n,” pagtatapat ng dalaga.
May running joke si Paulo kay Charlie kung hindi ba kinakabahan ang dalaga kapag napanood ito ng magulang niya dahil may frontal nudity siya sa pelikula.
Natawa ang aktres at inaming, “'Yun nga, eh. Kaya nag-iipon na ako ng panlipat (bahay) talaga, kinakabahan ako. Mga January n’yo (sa magulang) na ako palayasin.”
Nakakaintriga ang Fan Girl dahil coming of age ng isang fan ang kuwento nito at nakasama niya sa buong magdamag ang idolo niya.
Ang Fan Girl ay official entry ng Black Sheep/Globe Studios/Crossword Productions/Project 8, Epic Media sa 2020 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25 hanggang Jan. 8, 2021. Nagkaroon na ito ng world premiere sa 33rd Tokyo International Film Festival last October.





Comments