Ibinulgar na nakipag-one-night stand si Tom… REY PJ, AYAW NANG KAUSAPIN NI CARLA
ni Nitz Miralles - @Bida | March 18, 2022

Sa interview kay Rey "PJ" Abellana, nabanggit na nagalit sa kanya ang anak na si Carla Abellana dahil ipinarating niya sa press ang pinag-usapan nila ni Tom Rodriguez at marami ang pumabor sa ginawa ni Carla na magalit sa ama.
Sila nga naman ni Tom, tahimik sa rason ng kanilang problema, tapos ay ipararating din pala ni Rey sa media. Kaya ayun, lalong lumaki ang isyu at pati ang ama, ayaw na munang kausapin ni Carla.
And speaking of Carla, nilinaw nito ang inakala ng mga nakabasa sa kanyang post na ibinebenta niya ang kanyang condo unit sa may Pasig area for P2 M only. Ang mura nga naman kung sa ganu’ng halaga lang niya ibebenta ang condo unit na maganda ang ayos at kasama pati mga gamit. Kasama rin sa bentahan ang parking space na P2 M worth na.
Hindi pa rin binanggit ni Carla kung magkano niya ibinebenta ang condo unit niya at marketing strategy daw ang tawag doon. May mga ibinigay siyang number na puwedeng tawagan to inquire.
Hindi lang nagustuhan ng mga nakabasa ang sinabi ni Carla na “Tinagalog ko na rin po para mas maintindihan.”
Pinalabas daw ni Carla na hindi sila makaintindi ng English at in-explain pa ang ibig sabihin ng “price slash” at paki-Google na lang daw.
Matapobre ang dating ni Carla sa ibang netizens.
May mga nagtanggol kay Carla, totoo naman daw na marami ang hindi nakaintindi sa kanyang post. May problema sa reading comprehension ang nag-akalang P2 M lang niya ibinebenta ang condo unit.
Anyway, it was nice seeing Carla again sa TV nang mag-co-host sa Shopee last Tuesday. Isang masigla at nakangiting Carla ang napanood ng kanyang mga fans.





Comments