Ibinulgar na nakipag-one-night stand si Tom… CARLA, NAGALIT, SINITA ANG PADIR NA SI REY PJ
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 17, 2022

Agad na nilinaw ni Rey "PJ" Abellana sa 24-Oras ang tungkol sa nabanggit niyang “one-night stand” ni Tom Rodriguez nang ma-interview ni Cristy Fermin sa radio and online show nitong Cristy Ferminute.
Tinawagan daw kasi agad siya ng anak na si Carla Abellana nang mapanood ang nasabing interview. Ikinagalit ni Carla 'yung tungkol sa "one-night stand” na binanggit ng kanyang ama sa interview.
Pero, ano nga ba ang dapat na ikagalit ni Carla sa one-night stand na nabanggit ni Rey PJ? At least, nilinaw naman ni Rey PJ na walang third party involved at posibleng natukso lang si Tom. Lalaki rin siya at naiintindihan niya ang ganu'ng sitwasyon.
Dahil dito, lalong nahihiwagaan ang publiko sa tunay na dahilan ng hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Samantala, ayaw namang makialam ng GMA Network sa personal na problema ng kanilang mga artista. Pareho namang may project ngayon sa GMA-7 sina Carla at Tom.
May inihahandang serye para kay Carla pero bago ito ay magge-guest muna siya sa Voltes V Legacy. Gagampanan niya ang character ni Dr. Mary Ann Armstrong.
Well, makakabuti para kay Carla ang maging abala upang pansamantalang makalimutan ang kanyang marital problem.





Comments