Ibinulgar ang panloloko ng aktor at ni Maris… EX-GF NI ANTHONY, BIGLANG NAGING 300K NA ANG FOLLOWERS
- BULGAR

- Dec 8, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 8, 2024
Hindi takot ma-bash si Jamela Villanueva, naka-open pa rin ang comment box ng kanyang Instagram (IG) account. Kahit tila nagbago ang tono ng mga comments dahil kung sa simula ng pag-a-upload niya ng private convo nina Maris Racal at Anthony Jennings ay sa kanya ang simpatya, ngayon, nagbago na ang mga netizens.
Karamihan sa mga comments, marami na ang galit sa kanya dahil sinira raw niya ang pagkatao ni Maris at maging ang career nina Maris at Anthony, mga comments na madedemanda siya sa kanyang ginawa dahil labag ‘yun sa Data Privacy Act.
May mga nag-akusa pa kay Jam na clout chaser siya at popularity ang habol niya sa kanyang exposé. May mga nagturo pa sa kanya kung ano ang dapat niyang ginawa para hindi siya makasuhan.
May nagsabi pang hindi pa nga sila mag-asawa ni Anthony, kilos-asawa na siya at kung anu-ano pang hate remarks.
Hindi sila sinasagot ni Jam, pero ang malinaw, tumaas ang mga followers niya sa IG. More than 300K na ang followers niya na dati ay wala pa yatang 100K.
Panalo ang reels nina Ruru Madrid at Bianca Umali kung saan pinanggigilan ni Ruru ng halik ang girlfriend. Dinig na dinig ang mga “tsup” sa reels na ang ikina-disappoint ng mga nakapanood, bakit daw sa cheek at sa noo lang pinanggigilan ni Ruru si Bianca? Bakit daw hindi sa lips hinalikan ng aktor ang GF?
Isa pang inireklamo ng mga netizens, bakit hindi inalis ni Bianca ang suot na salamin, humarang tuloy sa panggigigil sa kanya ni Ruru.
May rason ang panggigigil ng aktor, birthday niya noong December 4, at ‘yun na yata ang birthday celebration nila ni Bianca.
Birthday greetings ni Bianca, “Mahal na mahal kita.
“Mahal ko, karapat-dapat ka sa lahat ng mga biyaya sayo ng Ama, dahil mabuti ang puso mo. Tandaan mo, ako palaging una na tatalon at papalakpak para sayo sa lahat ng mga tagumpay mo. Ipinagpapasalamat ko ang pagmamahal mo. Marami na tayong napagdaanan, pinagdadaanan at pagdadaanan pa pero hindi ako aalis sa tabi mo. Ika mo nga- palagi nating piliin ang isa’t isa. Habangbuhay.
“Maligayang kaarawan.”
Sweet din ang sagot ni Ruru na, “Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ka habang nabubuhay ako. Maraming salamat sa pagmamahal at pagiging Inspirasyon sa ‘kin, mahal na mahal kita.”
Marami sa mga comments, kunwari naiinggit kay Ruru dahil masaya ang love life, may sexy at magandang GF, tapos maganda pa ang takbo ng career.
Kasama sa mga entries sa 2024 MMFF ang Green Bones (GB) na pinagbibidahan nina Ruru at Dennis Trillo. Sa trailer pa lang, alam mong maganda ang pelikula ni Direk Zig Dulay.
Nabanggit ni Ruru na nang mapanood niya ang Firefly, sinabi niya sa sarili na magkaka-movie siya sa 2024 MMFF at nagkatotoo nga.
“Natupad ang pagma-manifest ko, kaya masayang-masaya ako. Bukod doon, kasama ko pa si Kuya Dennis (Trillo) at ang iba pang magagaling kong co-stars at si Direk Zig pa ang director. Isama na rin na maganda ang GB, may aral na matututunan by watching the
movie,” sabi ni Ruru.
Sana raw, ‘wag ninyong kalimutang isama sa panonoorin ninyo simula December 25 ang Green Bones na hindi lang story at acting ang maganda, pati pelikula.
Panalo ang “money drop” ng Uninvited na ginawa sa Grand Media and FanCon ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries. Nagkagulo nang biglang isa-isang mahulog ang aakalain mong P1K bill, kani-kanyang dampot at agawan ang tao, only to learn later na playbill ang P1K na galing sa itaas at photo ng cast ng entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects ang naka-print sa bill.
Pero, may nanalo pa rin, pinalitan ng real P1 thousand ang nakakuha ng golden playbill at marami silang nanalo. Siguradong uulitin ng Mentorque ang Money Drop sa Uninvited Gatecrashers Tour sa Cebu this Sunday.
Nang-iimbita sina Aga Muhlach, Nadine Lustre at Vilma Santos sa mga Cebuano na magkita-kita sila sa Cebu para sa mediacon ng 12 NN, motorcade ng 2 PM at FanCon SM City Cebu Event Center ng 2 PM.
Baka nga kasama pa si Director Dan Villegas na pumunta ng Cebu. Hindi kami magugulat kung sumakay ang cast ng movie sa eroplano na may nakasulat na
“Uninvited in Cinemas December 25.”
Si Bryan Dy, producer ng Mentorque Productions lang ang nakaisip nito.






Comments