Ibinuking ni Zoren… CARMINA, KINAKAUSAP ANG MGA BIRKIN BAGS HABANG NILILINIS SA MADALING-ARAW
- BULGAR

- 4 hours ago
- 4 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 17, 2026

Photo: IG _mina_villaroel
“If you gonna ask me kung kumusta ang married life, near to perfect, eh,” ito ang sabi ni Zoren Legaspi kay Aiko Melendez tungkol sa relasyon nilang mag-asawa ni Carmina Villarroel.
Nakapanayam ni Aiko si Zoren sa kanyang vlog nitong Sabado at isa sa mga topics nila ay ang relasyon ng mag-asawa na sa loob ng 27 years ay pakiramdam ng aktor na ‘binata’ pa rin siya.
Aniya, “Saan ka makakarinig ng lalaki na ever since nag-asawa s’ya, pakiramdam n’ya, binata s’ya? ‘Yun ang pakiramdam ko, hanggang ngayon, binata ako. So, ibig sabihin, ‘yung partner ko, ‘yung asawa ko, ‘di ako naka-kadena sa kanya.”
Tanong ni Aiko, “‘Di ka nasasakal?”
“‘Di ako sakal kaya pakiramdam ko, wala akong asawa although may asawa ako kasi nagagawa ko pa rin ang gusto kong gawin. So, ‘yun ‘yung isang mabuti. Pero dahil sa freedom na ‘yun, I have to be careful naman din. Saan naman ako pupunta?
“May mga may asawa (lalaki) na kunwari magmo-motor kami, (sabi nila), ‘Naku, ‘di ako pinayagan (asawa), ‘di ako maka-relate,’” kuwento ni Zoren.
Sobrang lenient ni Carmina kay Zoren pero problema ito para sa hubby ng aktres.
“Ang problema ko naman sa kanya, nerbiyosa, kaya iniisip ko, magpapaalam ba ako sa kanya o hindi? ‘Pag nagpaalam ako, nenerbiyusin dahil ang destination namin, Batangas, kakabahan s’ya dahil alam n’yang malayo.
“‘Pag ‘di ako nagpaalam, nenerbiyusin dahil ‘di n’ya alam kung nasaan ako. Kaya ano bang gagawin ko, magpapaalam ako o ‘di ako magpapaalam?
“Kaya ang ginawa ko, naglagay na lang ako ng tracker para i-track mo na lang ako pero ‘di naman n’ya binubuksan ‘yung tracker. So, kung salbahe ako, makakatakas ako, ‘di n’ya alam, nasa Germany na ako. May pamilya na pala ako sa Germany, ‘di n’ya alam,” tumatawang kuwento pa ni Zoren.
Tawa naman nang tawa si Aiko dahil kilala nga niyang nerbiyosa ang BFF niya dahil nagkukuwento naman daw ito sa kanila.
Next question ni Aiko ay hindi pa ba nawawala ang kilig nina Zoren at Carmina sa isa’t isa pagkalipas ng 27 years?
“Twenty-seven years, mahaba-haba na, ‘di ba? Ang dami nang chapter na pinagdaanan, so ‘di naman lahat ng chapter ay maganda ang istorya, eh. ‘Di ba kahit sa pelikula, ‘yung love story…
“‘Di ko sinasabing dumating kami sa point na maghihiwalay pero darating ka sa point na naiintindihan ko pa ba s’ya o ‘di n’ya ako maintindihan?
“So, kailangan ‘pag dumating kayo sa chapter ng buhay sa marriage life, kahit anong chapter ‘yan, kailangang masundan n’yo ‘yung bawat isa kasi magbabago ‘yung ugali kasi tumatanda, ‘di ba?
“So ‘yung mga wants, likes, do’s and don’ts niya, ‘yung mga mannerisms n’ya nu’ng 18 years old s’ya mula nu’ng niligawan mo, iba na ngayon,” esplika ng hubby ni Mina.
At dahil singkuwentahin na sina Zoren (54) at Carmina (50), ay may mga pagbabago na raw sa katawan.
Aniya, “Papunta na kami sa pagtanda, so, mahina na ‘yung tenga (minuwestra) ‘pag may sinabi, ‘Ano!’ (pasigaw), iisipin ko kaagad, ‘Galit ba ‘to sa akin?’ Kasi (mataas ang boses) ‘Ano?!’”
Grabe ang tawa ni Aiko sa kuwento ni Zoren tungkol kay Carmina at sabay sabi ng host, “Kailangan na ng hearing aid? Nakakatawa ‘to!”
Pagpapatuloy pa ni Zoren na tawa nang tawa, “Kaya kung baliw ‘yung asawa mo, ‘Bakit ka galit?’ Mag-aaway na kayo, ‘di mo alam na medyo marupok lang ‘yung pandinig.”
Hindi na rin halos makapagsalita si Aiko sa kakatawa sa kuwento ng Kumpareng Zoren niya dahil inaanak niya ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.
May kuwento pa si Zoren na labis ding ikinaloka ni Aiko.
“Tulad ngayon, ‘di ba mahilig s’ya (Carmina) sa aso, ako rin mahilig sa aso, pero ayoko ng tumatahol na aso! Kung meron lang piping aso, bakit ‘di ‘yun ang bilhin natin? Gusto ko lang naman ganu’nin (cuddle) ‘yung aso, ayoko ng tahul-tahol,” masayang kuwento ng aktor.
“Pero katabi n’yo matulog minsan, ‘di ba?” tanong ni Aiko.
“Oo, s’ya, ‘di s’ya naiinis sa tahol ng aso, ako, naiinis. So, paano ngayon ‘yan? Nand’yan ‘yung mga aso, so merong magtitiis.
“Yes, ako magko-compromise ako. So, kailangang matutunan nila (mag-asawa), otherwise, ‘di kayo aabot nang five years,” katwiran nito.
Natanong ni Aiko kung ano ang sikreto ni Zoren dahil sa edad niyang 54 ay looking young pa rin.
“Ikaw din naman (looking young), pero mas marami ka lang pinagdaanang battle scars kaysa sa akin. Meron kasi akong inner peace,” kaswal na sagot ng aktor.
“Ako kasi, lately ko pa lang inaano (nararamdaman ang inner peace),” sagot naman ni Aiko.
“Kaya sinabi kong mas marami kang battle scars. Kung dadalhin mo ako r’yan, ‘di ako sanay. Isang maganda kasi sa amin (Carmina), paano ka magkakaroon ng inner peace?
“For example, kadalasan, pinag-aawayan ng mag-asawa ay pera. So whether mayaman ka o ‘di ka mayaman, away ‘yan. Kami, ‘di namin pinag-awayan ‘yan, never!
“So, very thankful ako na naging ganu’n ang pananaw namin pagdating sa pera na ayaw naming pinag-uusapan,” pagtatapat ni Zoren.
Isa pang binanggit ng aktor ay hindi sila nagtatanungan ni Carmina kung magkano ang kinikita nila sa bawat proyekto.
“Never ako nagtanong tungkol sa mga binibili n’ya, pero dumating ako sa point na kasi nauso ‘yang Birkin-Birkin na ‘yan. (‘Pag nakikita n’ya ang bags), ‘Ah, okay, gusto mo ‘yang Birkin.’
“Hanggang sa parami nang parami, tapos minsan, nagising akong madaling-araw, inaayos n’ya, nililinisan n’ya ‘yung mga Birkin bags n’ya, kinakausap n’ya (humagalpak nang tawa si Aiko).
“Sabi ko, ‘Ano ba ‘to?’ (Tawa rin nang tawa si Zoren.) Ano nga ‘yung may sabit-sabit? Ano ba ang tawag du’n? Twilly (silk scarf). ‘Alam mo, tapos ginaganu’n n’ya (inaayos). Ano ba ‘to, may sumpa ba ‘tong bag na ‘to, ah?’
“Hanggang sa nag-birthday (isip ko), bigyan ko nga ‘to. Talagang gusto n’ya ‘yung mga ganitong klaseng bag. Nagtanong ako sa kaibigan, nalaman ko ‘yung presyo. Ganyan kamahal





Comments