Ibinuking ni Xian Gaza… DATUNG NI WILBERT, NAUBOS DAHIL KAY ZEINAB
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 25, 2022

Paramihan ng views ang labanan ngayon sa pagitan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino habang nag-eesplika ng kani-kanilang saloobin tungkol sa gusot na kinasangkutan nila sa isa’t isa.
Sa totoo lang, ang gulu-gulo ng isyu kay Zeinab, na kilalang female social media influencer with 13.1 M subscribers sa YouTube, at sa businessman/talent manager and content creator na si Wilbert na may 2.3 M subscribers naman sa YT.
Maraming nadawit sa gulo ng dalawa katulad ng kapwa nila influencers na sina Toni Fowler, Jelai Andres at Whamos. Nabanggit din ang singer-ex-boyfriend ni Zeinab na si Skusta Clee at ang ABS-CBN host na si Robi Domingo.
To the rescue ang kaibigang lalaking ‘Marites’ ni Zeinab na si Xian Gaza na nakabase sa Thailand.
Post ni Xian sa kanyang FB account, “Zeinab Harake Bangkok is just 3 hours away from Manila.
Nandito lang ako for you. Anytime. Comfort kita.”
At dahil magkaibigan ang dalawa, kaya ang tinaguriang ‘Marites’ ng Pilipinas ay nag-imbestiga kung ano ang totoong nangyari kina Zeinab at Wilbert.
Latest post ni Xian sa kanyang FB account…
"UNBIASED SCIENTIFIC ANALYSIS WITH INTENSIVE RESEARCH & SUBSTANTIAL DATA
"AUTHOR: CHRISTIAN ALBERT SORIANO GAZA
“Hindi totoo na si ZH (Zeinab Harake) ang naghahabol sa pera ni WT (Wilbert Tolentino). It's the other way around. Si WT ang nagsusunog ng multimilyones sa maraming influencers upang makilala ang kanyang pangalan because he is a celebrity-wanna-be like me. Ang kaibahan lang naming dalawa, eh, siya'y gumagastos nang milyun-milyon upang sumikat habang ako naman ay kumikita nang milyun-milyon habang nagpapasikat.
“After paying hundreds of thousands of pesos for every content, WT will question and pressure each influencer kung bakit mababa pa rin ang engagement ng paid content after paying a lot.
Hindi lang nila masabi directly sa kanya na 'yung mga followers/subscribers nila ay wala naman talagang pake sa isang katulad niya.
"Kailangan nilang sakyan ang mga trippings ni WT dahil kailangan nila ang pera nito at isa na diyan si ZH. Business is business lang.
“Ang bunganga ni ZH ay walang preno kagaya ko. Ang kaibahan lang naming dalawa, eh, may times na pati mga sarili niyang kaibigan ay napagsasalitaan niya nang hindi maganda sa harap ng ibang tao. Small talks kumbaga. Na-witness ko mismo sa Singapore. That's one of her bad traits. Attitude na hindi tama.
“ZH is a master social media strategist like me. We know how to properly market our personal brands. We both earn tens of millions of pesos ng dahil dito. Parehas kaming hustler. Ang top priority namin ay kumita ng pera gamit ang social media and anyone na makakahadlang sa negosyo namin ay talagang sasagasaan namin. Walang puso-puso.
“TF (Toni Fowler) and her entire team is not good for business. That's a fact. If you get associated with TF and her team, babagsak ‘yung value ng personal brand mo. Kung gusto mong makakuha ng magagandang endorsement projects, kailangan mong ilayo ‘yung sarili mo sa mga vloggers and influencers na puchu-puchu at walang class (kagaya ni TF). That's how you do business.
Nothing personal. Ididikit mo 'yung pangalan mo sa mga mas nakakataas sa 'yo, tapos iiwas ka naman sa mga tao sa baba. That's the way. Pasensiyahan.
“Tinalikuran ni ZH si WT because he is too fame-thirsty na ultimo ‘yung babae ni SC (Scusta Clee) ay pinakisamahan niya nang maayos. If I'm ZH, I will do the same thing. 'Matic ay ekis ka na sa 'kin at buburahin kita sa aking buhay. There's no explanation for that. Natural law of things.
“Hindi matanggap ni WT na after maubos ang life savings niya, eh, hindi pa rin niya na-reach 'yung level of fame and popularity na hinahangad niya. Matapos siyang pagkakitaan ni ZH at ng iba pang influencers, eh, wala rin talagang pinatunguhan ang lahat. Naubos lang 'yung pera niya.
Until now, he is just a typical YouTuber like everyone else. Sad reality.
“ZH is the highest paid online personality ngayong 2022. Pumapalo ng 5-15 million pesos ang TF niya per brand endorsement. Sobrang lakas niya. Walang makasabay sa level niya, not even Ivana nor Alex Gonzaga.
“Hindi ito matanggap ni SC, ni WT at ni TF kaya gumawa sila ng coordinated attack on a Sunday night kung kailan peak na peak sa social media. Pinagtulung-tulungan nila si ZH upang masira ang momentum nito once and for all. Para umatras ang mga sponsors and company brands. Para mawalan siya ng kita.
“Naniniwala ako na parehas may mali si ZH at si WT. Parehas may pagkukulang ang dalawang panig. Kung nangibabaw lang sana kay ZH ang gratitude and compassion, eh, hindi na sana aabot sa ganito. Kung hindi lang sana umiral ang galit at inggit sa puso ni WT, eh, paniguradong hindi na lalaki ang issue. Sinamantala na lang talaga niya ang pagkakataon at ginrab ang perfect opportunity upang pumutok ang kanyang pangalan to the highest level once and for all.”
Kasunod nito ay pinangaralan na nga niya si Zeinab kahit kaibigan pa niya ito.
Samantala, sa video post ni Gaza sa kanyang FB ay wala siyang pangalang binanggit kung sino ang pinatutungkulan niya.
“Ako po ang taong napakaraming alam na baho ng mga artista at sikat na personalidad pero ang inilalabas ko lang sa publiko is five percent. Kumbaga sa iceberg, ang nakikita n’yo lang ay ‘yung top 5%, ‘yung 95% itinatago ko ‘yun sa sarili ko for future use."
Para sa kabuuang kuwento ay panoorin ang FB account ni Xian na may titulong REBELASYON.
Samantala, bukas ang BULGAR sa panig ni Wilbert Tolentino.





Comments