top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ibinuking ni Vilma… LUIS, 'DI NA MAKAPAGTRABAHO DAHIL KAY BABY PEANUT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 31, 2023




Nagkuwento diumano ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa programa ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute tungkol sa apo niyang si Baby Peanut.


Ayon kay Ate Vi, binisita niya ang anak na si Luis Manzano, misis nitong si Jessy Mendiola at ang kanilang baby girl na si Baby Peanut.


Description ni Ate Vi, napaka-adorable ng kanyang apo.


Ayon pa rin daw sa Star for All Seasons, napaka-hands on ng mag-asawa sa pag-aalaga kay Baby Peanut.


Kuwento ng batikang manunulat-TV host, “Kaya alam mo, ang kanyang Momsie, ang ating Star for All Seasons, hay, naku! Talagang galing siya noong isang araw sa bahay nina Luis at Jessy.


"Alam mo ba ang sabi, 'Naku, Ate Cristy, ang lakas lumaki, ang pula-pula, ang ganda-ganda.


'Pag ako pinayagan ng mga magulang niya, araw-araw, magpo-post ako ng bago niyang picture,'" ang sabi raw ni Ate Vi sa kanya.


"Pagkaganda-gandang bata, sobra! Kaya naman ang Ate Vi, grabe. Sabi nga niya, 'Alam mo, 'yung anak ko, Ate Cristy, hindi na nakakapagtrabaho, laging karga 'yung anak niya. Tapos si Jessy naman, siya ang nagpapaligo, napaka-hands-on, siya lahat, nagbibihis, lahat-lahat.


Siya talaga, silang dalawa ang umaasikaso sa anak nila.'"


First-time parents sina Luis at Jessy kaya hindi mo sila masisisi kung bakit ganu'n sila ka-excited alagaan ang kanilang anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page