Ibinuking ni Sylvia… ARJO AT MAINE, TODO-LIHIM SA KASAL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 2, 2022

Sa ilang interviews kay Sylvia Sanchez ay may pahaging na siya na malapit nang magpakasal sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Nararamdaman daw niya na malapit na itong maganap at nagpaplano na ang dalawa.
Hindi nga lang niya mapakialaman at mapangunahan dahil alam niya na ang gusto ni Arjo ay hands-on sila ni Maine sa kanilang wedding preparation.
Basta ang wish lang ni Sylvia Sanchez ay magkaroon agad ng apo kina Arjo at Maine.
Gustung- gusto na ni Ibyang na magkaroon ng apo na aalagaan.
Posibleng early next year (2023) na magaganap ang kasalang Arjo-Maine. Wala pang detalye tungkol dito at mukhang isisikreto muna sa media ang mga kaganapan.
Wala pa ring binanggit na petsa o venue ng wedding at kung ano ang magiging motif ng kasal, gayundin ang mga tatayong ninang at ninong.
For now, top secret muna ang lahat sa Arjo Atayde-Maine Mendoza nuptial.
Well, ano kaya ang magiging reaction dito ng mga diehard AlDub fans? Tatanggapin na ba nila ang katotohanan na si Arjo Atayde at hindi si Alden Richards ang totoong minamahal ni Yaya Dub?





Comments