top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

IBINUKING NI OGIE: LIZA AT ENRIQUE, BREAK NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 1, 2023



Nu'ng umuwi ng Pilipinas si Liza Soberano, marami ang nagtaka kung bakit hindi ang boyfriend niyang si Enrique Gil ang sumundo sa kanya kundi taga-Careless na management company ngayon ng aktres.


Paano niya susunduin ang aktres, eh, kumpirmadong break na pala sila ni Liza?


Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa Showbiz Update vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena na in-upload nitong Martes nang gabi.


Sabi ni Mama Loi, “Heto na, marami ang nagko-confirm na hiwalay na sina Liza Soberano at Enrique Gil! Totoo ba ‘yun, ‘Nay (Ogie)?”


“Naku, ‘yan na nga ang sinasabi ko. Actually, nakarating din sa akin ‘yan na split o break na sina Enrique Gil at Liza Soberano.


“Okay, parang nag-ugat ito, Loi, ru'n sa mga pronouncement o mga nakaraang interviews ni Liza na never niyang binanggit si Enrique Gil.


“Tapos, ‘yung parang hindi pa siya pabor sa pagpapatatag ng love team, isa rin ‘yun. Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka nga wala na sila dahil una, hindi niya ipinagmamalaki ang boyfriend niya. Kasi kung ano (sila pa), magpo-post ‘yan si Liza.


“Tapos, nu’ng birthday ni Enrique, wala ring greeting si Liza online, pero nananatiling tahimik sila pareho sa isyung ito. Parang 'yun na lang ang konklusyon ng karamihan lalo na ng mga sumusubaybay ng LizQuen kung wala na ba talaga sila?”


Ang dahilan daw ng hiwalayan, sabi ni Ogie, ay gusto munang mag-concentrate ni Liza sa inaasam-asam niyang Hollywood career.


Bagama't gusto pa raw ni Enrique na ituloy ang relasyon nila, si Liza na ang umayaw.


Say ni Ogie, “Isa pang nakadagdag diyan, Loi, ay ‘yung hindi alam ni Enrique Gil na dumating pala rito si Liza at sinundo siya ng management niya.”


Kahit may source si Ogie na hiwalay na ang dalawa ay hoping pa rin siyang hindi ito totoo at sana raw ay magkaayos pa dahil sayang ang 8 yrs. na pinagsamahan ng LizQuen.


Noong nasa poder pa ni Ogie si Liza ay hindi niya naisip na maghihiwalay ang dalawa dahil napakaganda ng relasyon ng mga ito. Naisip din niyang sila na ang magkakatuluyan, pero dahil dumaraan ang panahon ay maraming nababago.


Samantala, trending topic kaagad ang LizQuen sa ibinalita ni Ogie na ‘yung iba ay hindi gustong inunahan nito sa pag-a-announce sina Liza at Enrique.


Mula kay @lovemenaurr, “Ogie is so pakialamero, pinangunahan niya 'yung LizQuen magsalita. Worst part, people is neglecting that fact. IDC (I don’t care) if he’s the manager or a relative to Liza. Ogie is not the one 'in the relationship' to meddle with the couple’s privacy.

Break or not it’s never his part to talk."


Sang-ayon din si @msjudayyyy, “I think LIZQUEN should be the one announcing the real score of their relationship, it's their story to tell, not someone else!!!”


Ipinagtatanggol naman ang LizQuen ng kanilang supporter na si @GenVAndrade, “We will do everything to defend LizQuen at all costs and prevent it from falling apart. We will implement measures and protocols on defending LizQuen. We will never let our enemies destroy LizQuen, Not on our watch! The future and security of LizQuen is at stake here."


Super-dami ng reaksiyon mula sa LizQuen supporters, pero sa ngayon, wala pang naririnig na pagkumpirma o pagde-deny sa kampo nina Liza at Enrique.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page