Ibinuking ni Mariel… ROBIN, 'DI NAGBI-BRIEF SA BAHAY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 11, 2022

Sa recent vlog ni Mariel Padilla, game na game niyang sinagot isa-isa ang mga ipinadalang tanong ng kanyang mga tagahanga.
Nakakaaliw ang mga questions dahil may isang fan na nagtanong kay Mariel kung totoo bang hindi nagsusuot ng brief si Robin Padilla? Sa isang panayam kasi noon ay nasabi ito ni Robin.
Nagpakatotoo naman si Mariel sa kanyang sagot. Kapag lumalabas daw ng bahay si Robin ay nagsusuot ito ng underwear. Pero kapag nasa bahay lang ay hindi nagbi-brief ang kanyang mister.
Isa pa sa mga tanong kay Mariel ay tungkol sa pagba-budget. Sey ni Mariel, sirang-sira siya sa aspeto ng pera at pagba-budget. Aminado siya na magastos at mahilig mag-shopping. Kaya naman, nagnenegosyo siya upang may sarili siyang perang pambili sa kanyang mga gustong bilhin. At naiintindihan ito ni Robin kaya hindi nila ito pinag-aawayan.





Comments