Ibinuking ni Lolit… KRIS, IPINASOSOLI ANG INIREGALONG MAMAHALING RELO KAY HERBERT
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 4, 2022

Ipinasosoli nga ba ni Kris Aquino kay Herbert Bautista ang iniregalo niya ritong expensive watch?
Nabanggit kasi ito ng veteran showbiz columnist/talent manager na si Lolit Solis sa kanyang Instagram post.
Ayon kay 'Nay Lolit, naughty lang daw talaga si Kris at baka nagbibiro lang nang sabihin nitong dapat isoli ni Bistek ang kanyang iniregalong watch.
“Alam mo naman kung minsan, naughty lang si Kris Aquino na baka isa sa mga biro niya na dapat isoli ni Herbert ang very expensive watch na ibinigay niya,” pahayag ni 'Nay Lolit.
“For sure, hindi naman bigay-bawi ang peg ni Kris. Baka may ikinainis lang siya kaya niya nasabi,” depensa pa ni 'Nay Lolit kay Kris.
Pero sa opinyon ng veteran columnist, dapat daw ay ibalik na lang ni Bistek ang watch.
“Pero kung ako si Herbert, ibabalik ko na lang para walang usapan, at 'pag ibinalik niya, hingin ko kay Kris para sa akin na lang, hah hah hah. 'Kalokang relo 'yan, big deal.
“At hindi naman affected si Ruffa? Itanong ko nga kay Jun Lalin, Salve at Gorgy,” sey pa ni 'Nay Lolit.





Comments