top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

IBINUKING NI KC: SHARON, TODO-PAGANDA AT PA-SEXY PARA KAY GABBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2023
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 10, 2023



Sa bagong panayam ni KC Concepcion sa Updated with Nelson Canlas na in-upload sa GMA Integrated News nitong Biyernes nang gabi ay inamin niyang parte siya ng Dear Heart concert ng mga magulang niyang sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.


Pero hindi muna niya sinabi kung ano ang kanyang gagawin dito, “Hahahaha! Secret!”


Sabi ni Nelson, “Baka kasi ikaw ‘yung producer?”


“Ay, hindi, wala akong kinalaman diyan. Mayroon kaming final meeting for final, final concept pero marami rin kaming nagawa to build the script. In fact, this is really their concert,” say ni KC.


Hirit ni Nelson, “Ikaw ‘yung link, eh, kaya dapat nandoon ka.”


“Oo nga, eh, hindi ko na-realize ‘yung role ko until kinausap nila ako about the concert. It’s in the works and ready and kahit bukas na nila i-present,” sabi ng nag-iisang anak nina Gabby at Shawie.


At inamin na rin niya na hindi pa talaga nagkikita ang ex-couple para sa concert nila sa Oktubre 27 na gaganapin sa MOA Arena.


“Hindi pa nagkikita sina Mama and Papa. Hindi sila magkikita until siguro rehearsals na, kahit ‘yung pictorial for posters, hindi sila nagkikita,” pagtatapat ng dalaga.


Pansin naman talagang hindi nagkita sa pictorial sina Gabby at Sharon dahil halatang idinagdag lang ang sinuman sa kanila at ang layo pa ng pagitan na kinunan sa magkahiwalay na araw.


At ibinuko ni KC, “Excuse me, ang nanay ko, nagpa-sexy talaga, ang bata-bata niyang tingnan. (Sabi ko) Paano maniniwala ang mga tao na anak n’yo ako? She looks so much younger than ever before now.


“Kasi nga, healthy living, nagpapayat, so, she’s so beautiful. Gandang-ganda ako sa nanay ko talaga lalo na sa concert stage, gandang-ganda ako sa kanya! ‘Yung favorite version ko ng mommy ko is the concert version.


“I cannot imagine my mom nang walang hawak na mic at hindi kumakanta sa stage, it’s really my favorite version of her,” masayang kuwento ng dalaga.


Nabanggit pa nito na mapapaiyak daw ang lahat ng makakapanood ng Dear Heart concert ng dalawa dahil sa tagal na panahong hiwalay at hindi nagkakausap sina Sharon at Gabby ay sino ang mag-aakalang may concert sila?


“Good tears, happy tears,” sambit ng anak ng pinakasikat na love team noong 80’s.


Dagdag pa niya, “I’m very excited also, kasi it’s my real life! So, hindi lang show or concert for me, it’s really groundbreaking moment ‘yun. It’s very special time for me as their only daughter together (sabay muwestra ng dalawang hintuturo).”


Buti nga raw at ngayong nasa 30’s na si KC nangyari ang show dahil kung noong bata-bata siya like in her 20’s ay baka hindi niya makayanan at matutulala na lang siya sa mangyayari.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page