top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

IBINUKING NI DIREK DARRYL: KARLA, BUMILI NG BAGONG BAHAY SA SOUTH, NAGYAYAYA PANG MAG-ABROAD

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2024
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 20, 2024



Photo: Daryl Yap / Fb



Nagsalita ang direktor na si Darryl Yap tungkol sa tsikang ibinebenta ng kaibigan niyang si Karla Estrada ang bahay nito.


Ayon sa direktor, hindi niya alam ang tungkol sa pagbebenta ng bahay pero inamin niyang nakabili si Karla ng bahay sa bandang South.


I don’t know about Karla Estrada selling the house, but I was with her months ago when she bought a new property sa South. Sinamahan niya lang ako magtingin, pero siya ang nakabili,” simula ni Darryl sa kanyang post.


Ayon pa kay direk, tinawagan daw niya ang kaibigan at sa tema ng usapan nila, gusto raw tulungan ni Karla na makapag-move on ang anak na si Daniel Padilla who as we all know ay kagagaling lang sa breakup with Kathryn Bernardo.


“Kaya tinawagan ko… Marami kaming napag-usapan, pero isa lang ang tono niya, kahit ‘di niya sabihin nang direkta; Gusto niyang tulungan si Daniel — makahinga at makapag-move-on,” sey ni direk.


“Tatanungin ko sana ‘yung issue about utang (kay Kathryn amounting to P20M daw), kaso tinamad na ko—kasi nagyayaya na naman sa ibang bansa. 


“Sa totoo lang, hindi na kami madalas mag-usap ni Mumsh, kasi super close niya kina Martin Romualdez, eh, ‘di ba?


“Kaya I’m sure kung maghihirap man si Mumsh (feeling ko imposible), hindi ‘yan magbebenta ng property… tataya lang ‘yan sa lotto as a lone bettor. Charot lang!


Ahahaha,” sabi pa ni direk.


Anyway, for sale nga ngayon ang bahay na naipundar ni Daniel sa Quezon City para sa kanyang pamilya sa halagang P50 million.


Sa tsika naman ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ay sinabi niya na gusto na raw manirahan ni Karla sa bandang South na tumutugma naman sa sinabi ni direk na bumili ng bahay ang ina ni Daniel doon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page