top of page

Ibinuking ni Direk Brillante… BARON, ISINASAMA SA HALO-HALO ANG ALAK MAKAINOM LANG SA TAPING

  • BULGAR
  • May 28, 2022
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 28, 2022



Tinangka palang gumamit ng award-winning director na si Brillante Mendoza ng pseudonym para sa mga pelikula niya for Vivamax. Pero, agad din siyang diniscourage ng Viva Films executives.


Nabanggit sa amin ang tungkol diyan ni Direk Brillante nu’ng makausap namin siya pagkatapos ng private screening ng latest movie na ipinrodyus niya for Vivamax, ang Pusoy na pinagbibidahan nina Baron Geisler, Angeli Khang at Vince Rillon.


Natapos na rin palang i-shoot ni Direk Brillante ang Virgin Forest na kinunan din ang mga eksena sa Bauan, Batangas kung saan doon din sila nag-shooting para sa dalawang proyekto ng kanyang film outfit, ang Centerstage Productions, ang Pusoy at Kaliwaan.


Unang nagamit ang titulong Virgin Forest sa pelikula ng yumaong direktor na si Peque Gallaga.


“Actually, parang tribute ko na rin sa kanila ‘yun, eh. Kasi mga kaibigan ko ‘yan, eh. Kaibigan ko si Peque, best friend ko si Tata (Esteban). Sa kanya ako nag-PD (production designer), hanggang sa naging magkaibigan na kami nang sobra-sobra,” tsika ni Direk Brillante.


Samantala, napansin namin ang pagkakasunud-sunod ng mga mahuhusay at sikat na aktor na nakakasama sa pelikula ng alaga ni Direk Brillante na si Vince Rillon.


Sa last film ni Vince na ipinalabas sa Vivamax, ang Kaliwaan, si Mark Anthony Fernandez ang nakasama niya. Habang si Baron Geisler naman ang katrabaho ni Vince sa Pusoy na palabas na sa Vivamax sa direksiyon ni Phil Giordano.


“Well, eventually, gusto niyang mag-level-up. Siyempre, ngayon, kailangang makilala siya. So, this is the fastest way na ma-introduce siya sa mainstream, ‘di ba? Kasi, like sabi ni Baron kanina (presscon), 13 years old pa lang siya (Vince), kasama na niya. Pero hindi mo naman siya naramdaman. Puro indie siya, ‘di ba? Ngayon magme-mainstream ka, na-expose na siya ngayon sa mga mainstream audience. Unti-unti na rin siyang ano, nakikilala,” esplika ni Direk Brillante.


Speaking of Baron, si Direk Brillante raw ang nagturo sa aktor kung paano gawin ang sadomasochism na eksena niya sa Pusoy?


“Hindi,” sabi ni Direk Brillante habang natatawa. “Naglolokohan kami sa set kasi nag-order ako niyan, mga ‘toys’ sa online (ginamit sa eksena nina Baron at Janelle Tee), ganyan-ganyan. Tapos ‘yung PD (production designer) ko, nag-order din pala siya. So, ang dami naming… Sabi ko, ‘Paano natin gagamitin ‘yan?'”


Tinanong tuloy namin si Direk Brillante kung nakuha ba niya ang konsepto ng paggamit ng “toys” sa mga love scenes ni Baron with Janelle and Angeli Khang sa foreign film na Fifty Shades of Grey.


“Hindi kasi ano, eh, ang kuwento kasi ni Phil (karakter ni Vince) ay napaka-straightforward. So, parang may boss, may ganito. In fact, bodyguard (ni Baron sa movie). Nu’ng una nga, guwardiya nga ‘yan, eh. But it’s about the character sa movie. ‘Yung karakter ni Baron sa movie, ang dami mong puwedeng gawin. Kaya sayang kung hindi mo ‘lalaruin’ ‘yung karakter niya,” lahad ni Direk.


With regards to Baron’s pagiging mahilig sa pag-inom ng alak, alam daw ng aktor kahit noon pa na ipinagbabawal ni Direk Brillante sa kanyang set ang ganitong bisyo. Sa kabila nito, may mga pagkakataon daw na “lumulusot” ng inom si Baron sa kanyang set noon.


“Pero nalalaman ko na lang, itinatago sa akin, like ‘yung kuwento ni Vince kanina sa presscon. ‘Yung halu-halo, nilalagyan niya ng alak.


"Alam mo si Baron, dapat kasama ‘yan sa Captive, kasama ‘yan sa Kinatay. Hindi lang natuloy dahil may mga shows siya noon sa ABS. And then, it came to a point na palagi siyang natatanggal dahil sa schedule niya sa mga ano. Nagsabi ‘yan na 'Patayin ninyo na lang ako dito sa serye.' Kasi gustung-gusto niyang gumawa ng pelikula. Nagpapatay siya sa isang serye para makagawa ng movie sa akin.”


Nilinaw din ni Direk Brillante ang pag-amin ni Baron na dahil sa movie niya na Pusoy kaya sila nagkaroon ng problema ng misis niya.


“Alam mo, during the entire shoot, walang problema. Kasi the wife is there at saka ‘yung ano, eh. Nu’ng last day, tapos na ‘yung pelikula, uminom,” pagri-reveal ni Direk Brillante.


Walang problema while doing the film kasi bawal uminom. Pero dahil last day na, nakauwi na raw si Direk Brillante, naiwan ang kanyang mga artista sa location at doon nag-inuman. Kasi nga naman, last day na ng shooting.


“Ako naman, kumbaga, tapos na ‘yung responsibility ko. Tapos na ‘yung film, eh. Kahit na ‘yung in terms of working relationship namin na actor-producer, tapos na rin. Out na ako doon. Kasi, hindi ko rin alam na uminom siya.”


Nalaman na lang daw ni Direk Brillante na nag-away si Baron at ang kanyang misis na si Jamie pagbalik niya ng Maynila. Tapos, nag-post daw sa Facebook ang misis ni Baron.


Anyway, nagsimula nang i-stream ang Pusoy sa Vivamax. Pagkatapos ng Pusoy, isusunod na ring ipalabas ang inaabangang pelikula ni Direk Brillante na Virgin Forest.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page