IBINUKING NI BOY: MAJA AT RAMBO, SA JULY PA ANG KASAL
Feb 18, 2023
1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 18, 2023

Sa July, 2023 pa pala ikakasal sina Maja Salvador at Rambo Nuñez at hindi totoo ang balitang ikinasal na ang dalawa noong Valentine’s Day.
Ibinalita ito ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda after kumpirmahin ang lumabas na balita.
Ayon kay Boy, "Sinabi sa amin na ang kasal nina Rambo at Maja ay magaganap July of 2023” at kasunod nito ang pasasalamat ni Boy sa engaged couple sa pagtatama ng lumabas na balita.





Comments