IBINUKING NI BEA: DOMINIC, AYAW NANG MAG-ARTISTA
ni Nitz Miralles @Bida | July 11, 2023

Emotionally and financially invested si Bea Alonzo sa pagiging isa sa mga judges ng Battle of the Judges dahil apektado siya kapag may bad review ang co-judges sa mga hawak niyang contestants.
Ibinuking pa ni Boy Abunda na sinasagot ni Bea ang pagsakay sa eroplano ng kanyang mga contestants ‘pag pumupunta ng Manila para sa taping at kasama na siguro rito ang pag-book sa mga hotel rooms.
First time maging judge ni Bea sa isang talent competition at super enjoy naman siya.
Nag-wish pa nga ang aktres na magkaroon ng Season 2 ang BOTJ.
Tinawanan din pala nito ang isa pang ibinuking sa kanya na nangangampanya siya sa mga audience para iboto ang mga contestants na hawak niya.
“Hindi ko sila mga fans and audience dahil may agency na may hawak doon. Iba-iba rin ang audience, minsan may mga bata at adults. Ang hanap ko lang naman sa mga contestants ay dapat may charisma at dating sila, pero itong BOTJ is challenging,” pag-amin ni Bea.
‘Katuwa ang sinabi ni Bea na hindi rin niya alam kung bakit tinanggap niya na maging isa sa mga judges ng nasabing talent competition. Nang magsimula na ang taping, doon niya na-realize ang kanyang role.
“I’m glad I said yes, sobra akong nag-e-enjoy at maraming natututunan. Nawawala ang inhibition ko at iisipin mo lang is to fight for your contestants. This is my way of giving back.
The industry has been good to me, ako naman ang tutulong,” sabi ni Bea.
Anyway, sa interview kay Bea, naikuwento nito na bago siya pumayag na makipag-date kay Dominic Roque, tinanong muna niya kung nag-aartista pa ito at nang sabihing hindi na, doon na siya pumayag na makipag-date.
“Ayoko na talaga sa taga-showbiz, ayoko na ng artista at ang alam ko, hindi na talaga siya magso-showbiz. Parang ayaw na rin niya. He has his business naman, pero hindi ko pa rin hawak ang desisyon niya,” ayon pa kay Bea.





Comments