top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ibinuking ni Bayani… AGA, CHARLENE AT 2 ANAK, MAY CHEF, NUTRITIONIST AT 8 MALETA ANG DALA SA TAPING

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | July 20, 2024


Showbiz News

Hindi lang aarte at magpapatawa si Bayani Agbayani sa Da Pers Family dahil creative consultant din siya ng sitcom ng Muhlach family na mapapanood na simula bukas, July 21, 7:15 PM sa TV5. Siya rin ang nakaisip ng title ng sitcom na ibinase niya sa apelyido ng mga Muhlach na Persival na siya rin ang nakaisip.


Pero, hindi lang ‘yun ang role ni Bayani, siya rin ang Marites sa show, inoobserbahan ang nangyayari sa set at itsinika sa mediacon. 


Tawang-tawa ang press sa ibinuking nito na may kasamang dalawang chefs sina Aga tuwing taping days. Healthy daw kasi ang kinakain ng Muhlach family, kaya iba ang pagkain nila.


“May nutritionist din sila, na biniro ko nga na i-check din niya ang food namin. May mga kasama rin sila na anim na yaya (totoo kaya ito?) at may mga make-up artists. Ang dami nilang dalang maleta lagi, walo ang nabilang ko, para silang pupunta sa abroad at hindi na babalik,” kuwento ni Bayani.


Hindi siya sinaway at kinorek ni Aga na tawa pa nga nang tawa at ibig sabihin, totoo ang mga itsinika ni Bayani. Ang kulang lang sa pagma-Marites ni Bayani, hindi na-check kung ano pa ang laman ng walong maleta bukod sa mga damit.


Ang lakas magpatawa ni Bayani sa mediacon, kaya i-expect natin na sagana rin ang utak niya sa pag-iisip ng mga nakakatawang punchlines sa sitcom na sabi ni Aga Muhlach, ibinalik nila sa sitcom nu’ng ‘90’s.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page