Ibinuking ni Angelica, Sen. Chiz… HEART, TODO-EMOTE NA MAMAMATAY NA DAHIL SA SAKIT
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 13, 2026

Photo: Heart Evangelista at Angelica Panganiban - Heart World 2
Para kay Heart Evangelista, si Angelica Panganiban ang maituturing niyang BFF at certified true friend. Naging close sila noong nagsisimula pa lang si Heart sa kanyang showbiz career sa ABS-CBN.
Bilang isang kaibigan, may pagka-sentimental si Heart. Itinatago niya ang mga sulat at regalo sa kanya ni Angelica.
May sulat pa ang aktres na dated 2001. Ganoon niya itine-treasure ang mga bagay na bahagi ng kanilang pagkakaibigan.
Ibinuking naman ni Angelica ang ilang sikreto ni Heart. Sobra raw itong maarte at madrama. Minsan, sinabi nito sa kanilang mga kaibigan na malapit na siyang mamatay dahil may sakit siya. ‘Yun pala ay poknat lang sa ulo.
Tawanan na lang nang tawanan sina Angelica at Heart kapag naaalala ‘yun.
Nagbunga naman nang maganda ang pagiging maarte ni Heart dahil na-develop nang husto ang kanyang personalidad. Nagagamit niya ito upang mag-level-up ang kanyang status at maging global fashion icon.
SA isang lumang film clip ng programang Mel and Jay (MAJ) kung saan guest sa show ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, nalaman namin na si Ariel Rivera pala ang kanyang first love. Kabe-break lang nila noon ni Ariel Rivera kaya siya naimbitahang mag-guest sa programa.
Ang nangyari, nagkabalikan kasi sina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Masakit para kay Regine na maakusahan na mang-aagaw. Siya raw kasi ang dahilan kaya naghiwalay sina Gelli at Ariel.
Pero, pagtatapat ni Regine, pormal na nanligaw sa kanya si Ariel. In fact, nagpaalam pa raw ito sa kanyang mga magulang noong manligaw sa kanya.
Naging masaya naman daw siya sa panahon ng relasyon nila ni Ariel. Ipinaramdam nito sa kanya ang tunay na pagmamahal. Kaya nang maghiwalay sila, walang galit at panunumbat siyang naramdaman. Hindi niya siniraan si Ariel kahit minsan.
INAMIN ni Eric Quizon na nagkagusto siya noon kay Kris Aquino noong baguhan pa lang siya sa showbiz. Naging close sila at madaling nagkasundo sa maraming bagay. Malakas ang karisma ng aktres at napaka-articulate kaya sumikat ito nang husto at nagkaroon ng sariling talk show.
Humanga rin si Eric kay Dina Bonnevie. Matalino raw ito at masarap kausap. Malawak ang kaalaman ng aktres sa maraming bagay.
Marami nang nabago sa buhay ni Kris Aquino. Sa kabila ng tagumpay sa kanyang career, maraming beses na siyang nabigo sa pakikipagrelasyon.
Gayunpaman, may dalawa naman siyang anak – sina Joshua at Bimby na itinuring niyang kayamanan.
Ayon kay Eric Quizon, kinukumusta naman niya si Kris Aquino na may pinagdaraanang health problem. Wish niyang tuluyan na itong gumaling sa kanyang autoimmune disease.
UNA palang naging close si Kim delos Santos kay Dingdong Dantes bago naka-love team ng aktor si Antoinette Taus. Naging kaibigan daw kasi ni Kim ang mommy ni Dingdong at siya ang pinakiusapan upang kumbinsihin si Dingdong na mag-artista.
Pinalad naman si Dingdong na sumikat at maging Primetime King ng GMA Network.
Si Dingdong ay una munang naging member ng Abztract Dancers bago nabigyan ng break sa pag-arte. Unti-unting lumaki ang kanyang pangalan sa showbiz nang ipareha kay Marian Rivera, na isa ring artist ng GMA-7.
Nag-click ang kanilang tambalan sa mga serye ng GMA Network. Lumakas ang DongYan tandem at dumami ang kanilang mga fans at supporters. Kinilala silang Primetime King at Queen.
Well, masaya si Kim sa tagumpay ni Dingdong. Nasubaybayan niya ang journey ni Dingdong sa kanyang showbiz career.
Ngayon ay isa nang seryosong aktor si Dingdong Dantes. Mas lumalim nang husto ang kanyang acting skill at natagpuan na rin niya ang kanyang perfect na life partner, si Marian Rivera.




Comments