Ibinuking ng utol… SANYA, PROBLEMADO SA DAMI NG BAYARIN
ni Nitz Miralles - @Bida | August 11, 2022

Nakakaaliw at may halong pambubuking ang birthday message ni Jak Roberto sa kapatid na si Sanya Lopez na nag-celebrate ng 26th birthday kahapon.
Maganda rin ang piniling larawan ni Jak sa kapatid sa post niya sa Instagram, walang make-up si Sanya, naka-pambahay at kasama ang isa sa marami nitong aso.
“Happy birthday sa nag-iisa kong kapatid! More, more success pa ang wish ko sa 'yo para 'di ka na mamroblema kay Judith (due date ng mga bayaran). Congrats sa bago mong blessings, deserve mo lahat ng nakukuha mong biyaya dahil alam ko kung gaano mo pinaghirapan lahat ng ‘yan.
Nandito lang kaming lahat sa 'yo nakasuporta, stay humble and stay blessed! Hayy bidabida.”
Kasama tiyak sa bagong blessings na tinukoy ni Jak ay ang bagong teleserye ni Sanya sa GMA na si Marco Gumabao ang kapareha.
Kinumpirma na ito ni Marco sa storycon ng Viva Films movie na Baby Boy, Baby Girl.
Honored daw siya to be working with Sanya na isa sa prized stars ng Kapuso. Ang nabasa namin, suspense thriller ang kanilang pagtatambalan.
May pa-teaser na nga ang Viva Films nang i-post ang photo nina Sanya at Marco na nagkita sa GMA Thanksgiving Gala. Ang caption ng Viva sa post ay: “Looks like a good fit for a future project together, what do you think?"





Comments