IBINUKING NG STAFF: TONI, NAMBABATO SA MUKHA NG TISSUE NA IPINUNAS SA KILIKILI NIYA
- BULGAR
- Feb 12, 2022
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 12, 2022

Ang dami na talagang sumasawsaw sa isyu tungkol kay Toni Gonzaga.
Aba, isang theater artist umano na nagngangalang Mark Ghosn ang biglang nagkuwento ng isang insidenteng na-experience raw niya sa TV host.
Ayon dito, OJT pa lang siya noon sa kumpanya. Wala raw mag-a-assist kay Toni para sa isang event na gaganapin sa mall. Pinakiusapan daw na siya na ang sumama sa TV host.
Nakita raw niya ang tunay na ugali ni Toni Gonzaga. Napansin daw niyang aligaga ito na parang nagmamadaling isalang na siya agad, samantalang kararating pa lang daw naman nila.
Nagpakuha raw ng tissue ang TV host para ipunas sa kili-kiling nagpapawis. After daw na ipunas ang tisyu sa armpit ay bigla raw nitong ibinato sa kanyang mukha.
Hindi raw niya akalaing gagawin 'yun ni Toni dahil idol niya ito.
Post ni Mark sa social media, "Parati kong ibi-bring up 'yung incident na binato ako ni Toni ng tissue sa mukha after na ipahid niya sa kili-kili niya kasi deserve malaman na maldita talaga siya."
Kaya naman daw siya pumayag na samahan ang TV host dahil idol nga niya ito.
Alam naman daw pala ng mga classmates niya na may ganu'ng attitude si Toni, pero hindi man lang daw siya binalaan.
Umaatikabong pamba-bash na naman tuloy ang inabot ni Toni dahil sa kuwento ng theater actor.
"Kadiri! May attitude problem na nga, dugyot pa. Pero natawa ako sa fact na hindi sinabi ng mga classmates niya, inilaglag, eh."
"Matagal nang issue ang attitude ni Toni. Kaya nga lagi sa blind item 'yan."
"Pinakakadiri na lang siguro na Bible quoting person siya pero ayun nga, nag-e-endorse ng kawatan."
"TOTOO SIGURO ‘TO! Kasi may picture pa 'yung naka-encounter ni TONI."
May nagtanong naman na "So, bakit ngayon ka lang nagkukuwento? Pa-fame ka din? Dapat dati mo pa 'yan inilabas, before she was even bashed."
"Palaging ikinukuwento pero ngayon lang na-pick-up ng media?"
"Primadonna! Si Ms. Gina Lopez nga, ang bait-bait, old rich 'yun. Eh, itong TH na 'to?
Pinayaman ng ABS pero ingrata pala!"
Sey naman ng isang netizen, "Naikuwento na pala, bakit inuulit-ulit pa? Para sumikat ka?
'Yan lang ang purpose mo, eh, para mapansin ka at sumikat at the expense of Toni G. USER!!!"
Well, hangga't hindi siguro natatapos ang eleksiyon, hindi hihinto ang isyu kay Toni. In fairness, may mga nagtatanggol naman sa kanya.
Iba talaga kapag makinarya ng pulitika ang kumilos, celebrities ang mas natutumbok. At below the belt pa, huh!!!




Comments