Ibinuking ng padir na si Joey… WINWYN, IKAKASAL NA
ni Nitz Miralles - @Bida | May 25, 2022

Inunahan na ni Joey Marquez si Winwyn Marquez at ang partner nito at ama ng baby ng anak na baka ikasal ang dalawa this year.
Kinumpirma ni Joey na nag-propose na ang partner ni Winwyn at pinag-uusapan na ang kasal.
Kinumpirma rin ni Joey sa mediacon ng Bolera na matagal nang kilala ng kanyang anak ang partner nito, since grade four ay magkakilala at magkaibigan na ang dalawa.
Best friend din ng anak ni Joey na si Yeoj ang partner ni Winwyn. Nagkalayo lang daw si Winwyn at ang guy, pero muling nagkita at nabuhay ang dating feelings nila para sa isa't isa.
Hopefully, bago magpakasal, ipakita ni Winwyn ang mukha ng kanyang partner na sa kanyang mga posts ay kalahati lang ang ipinasisilip.
Sabi ni Winwyn, supportive ang kanyang partner, lalo na kung nakakaranas siya ng postpartum.
Kasama pala si Joey sa cast ng Bolera, ang first sportserye ng GMA-7 na world premiere na sa May 30, 8:50 PM. Sina Dominic Zapata at Jorron Monroy ang mga directors ng series na pinagbibidahan ni Kylie Padilla.
Ginagampanan ni Joey ang role ni Freddie na isa ring billiard player. Maganda ang role at ang makasama ang cast, lalo na si Jaclyn Jose, ang dalawa sa mga rason kung bakit tinanggap ni Joey ang project na comeback niya sa GMA-7.
Pero, ang muling makagawa ng comedy ang dream ni Joey dahil ang sarap daw ng feeling na magpatawa sa mga viewers. Puwede naman sigurong mag-guest muna si Joey sa mga comedy shows ng network habang wala pang ibang maibigay sa kanya.





Comments