top of page

Ibinuking ng orig BFF… VICE, MARAMING UTANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 24, 2026



TALKIES - VICE, MARAMING UTANG-FB Vice Ganda

Photo: FB Vice Ganda



Special ang naging pahabol na birthday celebration ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Laro Laro Pick segment ng ABS-CBN’s It’s Showtime (IS).

Nag-reunion sila ng mga dating kapitbahay at kaibigan na taga-Tambunting.


Ang kalye ng Tambunting ay bahagi ng Tondo, Manila kung saan ipinanganak at lumaki si Vice na mas kilala noon bilang ‘Tutoy’ sa lugar nila.


Sey ni Vice, “Happy at excited ako sa episode na ‘to. Actually, ‘tong episode na ‘to, ‘tong mga manlalaro natin, makakasama ko dapat ‘to ru’n sa supposedly birthday episode ko.

“‘Di naman natuloy ‘yung birthday episode ko kasi nga Holy Week ‘yun.”


Masayang ipinakilala ni Vice ang kauna-unahang matalik na kaibigan niya na muli niyang nakasama sa IS na si Melvin.


Sa panayam ay tinanong ni Vhong Navarro si Melvin kung ano ang hindi makakalimutang ugali ni Vice.


Kuwento ni Melvin, “Noong mga bata pa kami, mahilig kaming maglaro ng basketball. Merong isang pagkakataon na nasira ‘yung sapatos ko. So, may extra shoes s’ya. Ibinigay n’ya sa akin ‘yung isa n’yang sapatos na ‘yun. Malaki ‘yun, pero ginamit ko makalaro lang ako. Ibinigay n’ya sa akin.”


Sey ni Vice, “Kung meron man akong kinamulatan ng salitang pakikipagkaibigan at friendship, sa kanya ‘yun kasi s’ya ‘yung una kong kalaro. Mabait ‘yan kaya inaanak ko ‘yung panganay n’ya.”


Saad naman ni Melvin na may kasamang biro, “Tama. Tama. Ang dami ng utang n’ya.”

Sey naman ni Vice na may kasamang biro, “Grabe ka! Sobra ka naman. Baka nakakalimutan n’yo, ‘yung fiesta, binigyan namin kayo ng pakbet.”


Tanong ni Jhong Hilario kay Melvin, “Ano ‘yung pakiramdam na nakikita mo na si Vice sa TV, sumisikat na, grabe na ‘yung Vice Ganda na kalaro mo dati?”


Saad ni Melvin, “Napaka-proud para sa akin. Lalo kasi kababata ko s’ya. Lalo na ru’n sa lugar namin, talagang ipinagmamalaki s’ya ngayon na isang taga-Tambunting na galing sa mahirap na lugar. Ngayon, si Vice Ganda na s’ya. Dati, Tutoy lang s’ya.”


Nakumpleto ang original barkada ni Vice. Bukod kay Melvin, naglaro rin sina Paul, Wilbert, Ivan at Jon-Jon.


Well, happy for you Vice Ganda, nakita mo ulit ang mga original barkada mo na nagmahal sa iyo noong panahon na ikaw ay si Tutoy pa lang.

‘Di ba naman, madlang people?





“I love you, baba,” ang pahayag ng singer na si Ogie Alcasid sa kanyang social media post para sa kanyang loving wife na si Regine Velasquez.


Simple, pero punumpuno ng pagmamahal ang mensahe ni Ogie para sa kaarawan ni Regine noong April 22, 2026, na tinawag niyang ‘Sunshine’ at ‘Baba’.


Wika ni Ogie, “Happy birthday to the one that brings sunshine into my life.

“The one person that supports me and corrects me with complete honesty and always prays for me.


“I pray the Lord blesses you today and forever more. I love you, baba.”

Anyway, happy birthday, Regine Velasquez-Alcasid!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page