Ibinuking ng naging kostumer sa bar… ANA, GRO BAGO NAKUHA NI KIT
- BULGAR

- Apr 6, 2022
- 4 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | April 6, 2022

Umaapaw pa rin ang pagbuhos ng suporta kay Ana Jalandoni sa comment section ng interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda na may pamagat na The Ana Jalandoni Story sa YouTube channel ng TV host.
“Grabeeee, naawa ako kay Ana, na-teary-eyed ako sa part na may hawak si Kit na knife, tapos inilagay pa sa leeg niya. Grabe talaga. Ramdam ko 'yung feelings niya. Hindi niya deserve 'yan. Mukhang mabait siya,” say ng netizen.
Marami rin ang pumuri sa husay at galing ng pag-iinterbyu ni Kuya Boy kay Ana. Hinayaan niyang magkuwento si Ana ng mga pangyayari at papasok lang siya 'pag may gusto siyang linawin.
“Eto ang interview. Talagang inaalam ang lahat. Nice one, Tito Boy. Praying for you, Ana.”
May nagtsika sa amin na maaaring tumulong daw ang manunulat at host na si Jobert Sucaldito para mainterbyu ni Kuya Boy si Ana. Si Kuya Jobert kasi ang nag-handle ng publicity ng movie ni Ana titled Manipula kung saan siya rin ang producer.
But according to our source, ang kampo ni Ana talaga ang lumapit kay Kuya Boy para magpainterbyu.
As usual, may mga sinasabi rin ang mga netizens against Ana. ‘Yung iba, ikinokonek pa ang nakaraan ni Ana. May nag-comment na dati siyang GRO sa isang bar.
“May itinatago ang babae, 'di naman siya masasaktan kung nagsasabi siya nang totoo.
Siguro, when Kit asked to marry her, baka ru'n niya pa lang sinabi na kasal na pala siya sa US dati kaya nagalit si Kit. It is still best to also hear Kit Thompson's side. Magulo siyang magsalita.”
Kuwento naman ng isang naging kliyente diumano ni Ana, “Around 16 yrs. old pa lang si Ana, nagwo-work na siya sa Hollywood KTV Bar sa Timog Ave. She worked there as a GRO or Guest Relations Officer.
"Agawan nga ang mga lalaki sa kanya dahil bukod sa bata, maganda pa. At kung gusto mong mai-table siya, you have to come to Hollywood KTV Bar as early as possible para ikaw ang maka-una at first guest niya.
"I have experienced na inagahan kong pumunta sa KTV bar dahil gusto ko siyang maka-table, pero mas may nauna pa pala sa akin. Ganu'n siya ka-in demand when she worked as a GRO. Naka-table ko rin siya sa VIP room ng KTV bar. Pricey ang per hour niya. After na nag-close na ang Hollywood KTV bar, wala na akong balita kung saan siya nag-work uli."
Sabi naman ng isa pang netizen, “Against ako sa domestic violence pero hindi rin naman tama 'yung manlalaki ka habang meron kang boyfriend. 'Wag nating i-tolerate 'yung ganyang usapin. Kaya 'yung ibang babae, wala nang takot kasi sa batas, bawal manakit ng babae. Kaya ayun, ang lakas ng loob manlalaki. Sorry, Ana, ha? Hindi ka talaga nagsasabi nang totoo, kitang-kita sa mga mata mo. Hindi naman kasi ex-husband mo 'yung puno't dulo ng pambubugbog sa 'yo, eh."
“If Ana is already a well-off individual, why did she work as a GRO in a KTV bar? I guess not. Did she meet someone rich that she inherited a fortune kaya well-off na siya ngayon?” pang-iintriga naman ng isa pa.
Iba rin talagang mag-comment ang mga netizens, ‘di ba? Halos mamatay na ‘yung tao, kung anu-ano pang paninisi ang ibinabato sa kanya. Hindi ba puwedeng magbigay ng opinyon without destroying ang pagkatao ng mga involved sa isyu?
Parang ang dating, kapag GRO ka, hindi ka na puwedeng magsabi nang totoo at magsampa ng kaso sa korte?
Depensa ng isang netizen kay Ana, “Kahit pa nag-sponkey siya or tumatanggap ng booking, hindi pa rin sapat 'yun para bugbugin si Ana. Hindi n'yo alam ang pinagdaanan niya para itaguyod ang pamilya niya. 'Wag kayong judgmental. 'Di siya humingi sa inyo ng tulong. Alam naman nila ang work ni Ana, so bakit pa nila niligawan? Tapos, 'pag may natuklasan, magagalit sila? Maling-mali ang manakit ng babae, kahit ano pa'ng ginawa niya."
Ang ibang netizens naman, nilektyuran pa si Ana ng dapat ginawa para hindi siya sinaktan ng boyfriend niya na si Kit Thompson.
“I'm not gonna victim blame, pero based on my own experience, kahit babae ako, never akong nanakit ng karelasyon pero dumating sa point na nagmahal ako nang sobra, ibinigay ko lahat ng time, support at love ko sa ex-boyfriend ko. Pero nu'ng nalaman ko that he was dating multiple girls, 'di ko talaga napigilang masaktan siya physically. He brought out the worst in me kumbaga. I'm not saying it's right to hurt someone, pero hindi naman masama magsabi nang totoo kung ano talaga 'yung dahilan kung bakit dumating sa point na binugbog ka ni Kit, hindi enough 'yung jealousy based on speculation lang. May something na worst na 'di mo sinasabi.”
Payo naman ng isa pa, “Alam mo na parang may anger issue si Kit, dapat, ikaw na mismo, hindi ka umiinom para hindi ma-trigger din. At 'wag ka nang magbiro ng kung anu-ano about sa ex mo. Kahit sabihin mong biro lang 'yun, siyempre, may mga tao na ayaw ng binibiro, kahit pa siya nag-start ng biruan.
"Ikaw din ang may fault kung bakit siya nagkaganu'n at nasaktan ka. Madami namang puwedeng ibiro, eh. Iniwasan mo na sana 'yung mga nagti-trigger sa kanya. Advise lang, Ana, be mindful din sa personality ng partner mo. Sinasabi mo, gusto mo siyang magbago, pero ikaw din, nagiging reason kung bakit siya nagkakaganu'n. I know masama pa rin ang ginawa ni Kit sa 'yo at hindi 'yun rason para saktan ka. What I want to say here is both kayo may fault sa isa't isa, hindi lang din si Kit.”
“Ayaw na niya sa ex-husband niya pero nagpakasal pa rin siya.”
Pansin namin sa mga comments ng mga netizens ay may tinutumbok sila about Ana’s marriage kay Nueva Ecija vice-mayoralty candidate Renan Morales.
May problema kaya sa hiwalayan nina Councilor Renan at Ana noong 2017?
Or may batas kaya na nagsasaad na kahit saang bansa sa mundo magpakasal ang dalawang Pinoy, valid and binding pa rin sa 'Pinas ang kanilang kasal?
At alam naman natin na sa 'Pinas ay walang divorce, annulment lang, ‘di ba?
Naku, 'di namin masyadong kabisado ang full account ng legalities ng mga ganyang sitwasyon, kaya bahala na ang mga abogado r’yan.
That’s it, pansit!




Comments