Ibinlind item na peke ang mga giveaways, rumesbak... Fynest China kay Xian Gaza: "Bakit di po kayo makauwi, Sir?"
- BULGAR
- Feb 23, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | February 23, 2024

May hirit ang social media personality na si Fynest China sa self-proclaimed "Pambansang Marites" na si Christian "Xian" Albert Gaza.
Ito ay matapos na makaladkad ang pangalan ni Fynest sa isa sa mga pa-blind item ni Xian sa kanyang Facebook account.
Itinanggi ni Fynest China ang mga tsikang peke ang kanyang ginagawang giveaways ngunit inamin nitong staged daw o scripted ang mga pag-uwi niya sa 'Pinas.
Sey nito, ang mahalaga raw ay kinita niya ang mga mahahalagang tao sa buhay niya pati ang kanyang mga tagasuporta.
Makahulugang tanong din nito kay Xian, "Bakit 'di po kayo makauwi, Sir Christian? Ano pong reason?"
Matatandaang umugong ang pangalan ni Xian Gaza noon dahil idinidikit ito sa mga kasong may kinalaman sa scamming at panloloko.
Comments