top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ibinidang pag lago ng ekonomiya dagok sa taumbayan, kasi nagdulot na taas-presyo ng bilihin at bayarin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 6, 2024
2 min read

Updated: Jul 9, 2024

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 6, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez


MALAS LANG ANG 17 DATING GOCC OFFICIALS SA PORK BARREL SCAM AT ‘DI SILA MGA PULITIKO, KUNG MGA TRAPO ‘YAN MALAMANG NOT GUILTY ANG HATOL – Nasa 17 ang mga dating opisyal ng Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC) na nakatalaga sa National Agribusiness Corporation (NABCOR), National Livelihood Development Corporation (NLDC) at Technology Resource Center (TRC) ang hinatulan ng Sandiganbayan na makulong mula 2 hanggang 17 taon kaugnay sa pagkakasangkot nila sa pork barrel scam.


Malas lang nila dahil mga dating opisyal sila ng NABCOR, NLDC at TRC, kaya guilty ang hatol sa kanila ng Sandiganbayan, pero kung nagkataon na sila ay mga trapo (traditional politicians), malamang not guilty ang hatol sa kanila sa pork barrel scam, at baka paulit-ulit pa silang kumakandidato at nananalo sa halalan, boom!


XXX


PAGLAGO NG EKONOMIYA, PAHIRAP SA MAMAMAYAN, AT KAYA LUMAGO ITINATAAS ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN -- Ibinida ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na lumago na raw ang ekonomiya ng bansa.


Sa totoo lang, ‘yang paglago ng ekonomiya ay malaking dagok sa pamumuhay ng mamamayan kasi para makalikom ng malaking tax sa sambayanan, ang ginagawa ng pamahalaan ay magtaas nang magtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin na nagpapahirap nga sa taumbayan, tsk!


XXX


HINDI AFP ANG GUMAGAWA NG TENSYON SA WPS, KUNDI ANG CHINA COAST GUARD -- Sablay ang utos ni PBBM sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na bawasan ang tensyon sa China kaugnay sa West Philippine Sea (WPS) issue.


Kasi hindi naman ang AFP ang gumagawa ng tensyon sa WPS, kundi ang China Coast Guard (CCG) na sunud-sunod ang pambu-bully at harassment sa mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), mga Philippine Navy (PN) at mga mangingisdang Pinoy, period!


XXX


KASUHAN AGAD AT IKULONG ANG MGA TAGA-POGO NA NAGBABANTA SA PAOCC PERSONNEL -- Inanunsiyo ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesman Winston Casio na may natatanggap na raw na death threats ang mga PAOCC personnel na nagsasagawa ng crackdown sa mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.


Kung mga Chinese ang nagsasagawa ng pagbabanta sa mga taga-PAOCC, aba’y dapat kasuhan, dakpin at ikulong agad ang mga ‘yan, kasi hindi katanggap-tanggap na pinagbabantaan ng mga Chinese ang mga Pinoy, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page