top of page
Search
BULGAR

Ibinida ni PBBM na pag-ban sa POGO at 5K flood control projects, parehong sablay

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 30, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT SIBAKIN NI PBBM ANG NAG-ADVISE SA KANYA, NA IBIDA SA SONA, ANG FAKE NEWS NA 5K FLOOD CONTROL PROJECTS NA NATAPOS NG KANYANG GOBYERNO -- Hanggang ngayon ay pinuputakti nang batikos si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) tungkol sa ibinida niya sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na higit 5,000 flood control project na ang natapos gawin ng kanyang administrasyon dahil lumalabas na boladas lang at walang katotohanan ito kasi nga binaha ang Metro Manila at mga karatig lalawigan sa pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat.


Kaya kung sino man ang nag-advise kay PBBM na ibida niya itong higit 5K flood control project sa kanyang SONA ay dapat niyang sibakin kasi fake news pala ito kung kaya naputakti siya ng batikos, period!


XXX


IWAS NA SI PBBM SA ISYUNG 5K FLOOD CONTROL PROJECTS KASI ALAM NIYANG SABLAY ANG IBINIDA NIYANG ITO SA SONA -- Umiiwas ngayon si PBBM na sagutin ang tanong ng mga mamamahayag patungkol sa pagkalubog sa baha ng maraming lugar sa bansa at sa ibinida niyang 5K flood control project.


Iiwas talaga si PBBM na sagutin ang mga isyung iyan na itinatanong sa kanya ng media kasi alam niya sa sarili na sablay ang ibinida niyang 5K flood control project na natapos ng kanyang administrasyon, boom!


XXX


POGO LANG ANG PINA-BAN HINDI ANG POGO STYLE NA IGL -- Hindi lang sa isyung 5K flood control project nabatikos si PBBM, kundi pati sa ibinida rin niya sa kanyang SONA na pag-ban sa Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).


Kaya nabatikos kasi ito palang POGO na kanyang ipina-ban ay pinalitan na ng pangalang Internet Gaming License (IGL) at iyan ang dahilan kung bakit sangkaterba pa rin ang online gambling sa social media.

Ibig sabihin niyan, pangalang POGO lang ang mawawala, pero hindi ang POGO style na IGL sa socmed, tsk!


XXX


NADADALAS ANG PAGDIKIT NG PANGALAN NI HARRY ROQUE SA POGO KAYA ‘DI NA NANINIWALA ANG GOBYERNO AT PUBLIKO NA WALA SIYANG KONEK SA POGO -- Nadadalas ang pagkakadikit ng pangalan ni former presidential spokesman Harry Roque sa Chinese POGO, at ang latest na pagkakadawit ng kanyang pangalan ay nang makahuli ang mga otoridad ng dalawang Chinese national na konektado sa POGO sa loob ng bahay na pag-aari ni Roque sa Benguet. 


Kaya kahit anong palusot ang gawin ni Roque na hindi siya konektado sa POGO ay hindi na niya mapapaniwala ang gobyerno at ang publiko kasi nga ang daming lumalabas na ebidensya na may konek talaga siya sa POGO, period!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page