top of page
BULGARY - ANNE SA MGA KORUP KAHIT ‘DI NA SALAPI, ‘YUNG KATINUAN N’YO NA LANG ANG IBALIK-IG

Ibinayad na buwis, hinahanap… ANNE SA MGA KORUP: KAHIT ‘DI NA SALAPI, ‘YUNG KATINUAN N’YO NA LANG ANG IBALIK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 5, 2026



BULGARY - ANNE SA MGA KORUP KAHIT ‘DI NA SALAPI, ‘YUNG KATINUAN N’YO NA LANG ANG IBALIK-IG _annecurtismith

Photo: IG _annecurtismith



May matapang na mensahe ang aktres-host na si Anne Curtis para sa mga pulitikong sangkot umano sa korupsiyon sa gobyerno.


Sey ni Anne, “‘Nasaan ang mga buwis?’ sabi ‘yan ng mga nakarehistro. Kahit ‘di na salapi, ‘yung KATINUAN n’yo na lang ang ibalik.”


Marami na ring artista ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at panawagan para sa mas maayos na pamamahala sa gitna ng lumalalang problema sa bansa.

Kabilang dito sina Anne Curtis, Vice Ganda, Daniel Padilla, Dennis Trillo, Kim Chiu, at marami pang iba.


Hiling ng maraming Pilipino ang isang maayos na sistema at tapat na pamumuno, lalo na’t ang taumbayan ang nagbabayad ng buwis na ginagamit upang pondohan ang mga serbisyo ng gobyerno.


Sa dami ng nagsa-shoutout na mga aktor tungkol sa flood control, tila bingi naman ang gobyerno sa kanilang mga hinaing. 


Hindi lang mga artista ang nag-aalburoto kundi maging ang mga mamamayan. Sana naman ay may isang pulitiko na manaig ang kabutihan sa kanyang puso at siyang unang kumilos para sa ikabubuti ng ating bansa.





Mas pinili ang paninindigan… 

EPY, TUMANGGI SA P30 M KAPALIT NG KANTA PARA SA POLITICAL CAMPAIGN



IBINAHAGI ng aktor na si Epy Quizon na tinanggihan niya ang alok na P30 milyon para magamit sa isang political campaign ang kanyang kantang Lukso ng Dugo dahil mas pinili niyang panindigan ang mensahe ng pagkakaisa at pagmamahal sa kapwa-Pilipino, mga pagpapahalagang itinuro sa kanya ng amang si Dolphy (SLN).


Sa pagbisita niya sa Maddox Jewelry kasama ang content creator-entrepreneur na si Charo Cordial, naikuwento ni Epy ang kanyang ama, ang kanyang career, at ang mga pagpapahalagang natutunan niya mula sa Comedy King.


Ayon sa aktor, mayroon siyang ilang personal na bagay na naiwan sa kanya ni Dolphy, kabilang ang mga alahas, isang vintage Seiko watch at isang diamond ring. Ngunit para sa kanya, hindi ang mga materyal na bagay ang pinakamahalagang pamana ng kanyang ama.


Ang tunay na pamana raw ni Dolphy ay ang talento nito sa pag-arte, propesyon, apelyidong Quizon, at higit sa lahat, ang mga pagpapahalagang itinuro sa kanilang magkakapatid.


“Tinuruan kami ni Dolphy na maging humble at maging Pilipino,” sey niya.

Naalala rin ni Epy kung paano sila tinuruan ng kanilang ama na mahalin ang kapwa-Pilipino, ang sariling wika, ang watawat at ang bansa. Madalas din umanong tumulong si Dolphy sa mga taong lumalapit sa kanya.


Samantala, inamin ni Epy na dumating din ang panahon na naging mayabang siya, ngunit hindi niya nakalimutan ang payo ng kanyang ama.


Sey daw ni Dolphy, “Masarap lumipad, pero ang mahirap d’yan, lumanding.”

Dahil dito, naging usap-usapan muli ang kanta niyang Lukso ng Dugo dahil tungkol ito sa pagkakaisa ng mga Pilipino, kaya hindi niya ito nais iugnay sa pulitika.


Para kay Epy, bahagi rin ito ng mga prinsipyong natutunan niya kay Dolphy na magpakumbaba, tumulong sa kapwa at mahalin ang pagiging Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page