Ibinalitang hiwalay na ang magdyowa… LIZQUEN FANS, TINAWAG SI OGIE NA NAGKAKALAT NG FAKE NEWS
- BULGAR
- Jun 25, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 25, 2023

May bagong ifinlex na stunning photo si Liza Soberano na kuha ng photographer na si BJ Pascual mula sa GRAZIA Singapore.
Nakasuot ng brown see-through dress at brown jacket si Liza sa naturang picture, pero mapapansin na wala siyang suot na bra kundi panty lang.
Ang caption ng aktres: "Outtakes from my grazia.sg covershoot shot by the one and only @bjpascual."
Isa sa mga unang nagkomento ay ang dyowa ni Liza na si Enrique Gil kung saan 3 fire emojis ang inilagay nito.
Nag-viral agad ang photo ni Liza at umani ng maraming komento mula sa mga netizens.
May mga nagsabing inggit much sila kay Enrique dahil sa ganda at kaseksihan ni Liza at jackpot daw talaga ang aktor sa GF.
May mga nagsabi namang 'wag nang pakawalan ni Enrique ang GF at pakasalan na bago pa maagaw ng iba.
Pero marami naman ang bumilib kay Enrique sa pagiging understanding boyfriend dahil hinahayaan lang daw muna nito si Liza na gawin ang gustong maabot na pangarap.
Samantala, may mga nang-bash naman kay Ogie Diaz dahil sa unang ini-report nito na hiwalay na raw umano ang LizQuen.
May mga LizQuen fans pang tumawag na "fake news peddler" sa dating manager nina Liza at Enrique.





Comments