Ibang klase raw talaga… CRISTY, MAY NEXT PANG MAS MATINDING PASABOG KAY DIEGO
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 12, 2023

Matapos ilantad ni Diego Loyzaga ang kanyang bagong silang na baby, ang itinatanong ng lahat ngayon ay kung sino ang ina ng bata dahil wala pa naman siyang ipinapakilala officially na bagong girlfriend after Barbie Imperial.
Napag-usapan ito ni Nanay Cristy Fermin at ng co-host niya sa programang Cristy Ferminute na si Romel Chika at ang tsika nila ay non-showbiz daw ang girl.
“Sabi, model daw, eh,” sambit ni ‘Nay Cristy.
Pero, imbiyerna pa rin ang batikang host-manunulat kay Diego sa ginawa nitong biglang pag-atras sa guesting nito sa Cristy Ferminute last Wednesday.
“Ginawa mo kaming t*nga. Hindi ka tumupad sa iyong kompromiso,” pagtalak ni ‘Nay Cristy kay Diego.
“Tapos ngayon, naglabas ka ng picture na kasama mo ang baby mo. Eh, ganu’n din ‘yun, eh.
Natakot ka sa bashing, inunahan mo na ngayon na may baby ka na,” dagdag pa ni ‘Nay Cristy.
At heto na nga, one of these days ay meron daw silang matinding ibabalita tungkol kay Diego.
“Ilalaan ko ito sa susunod pang pagkakataon,” sabi ni ‘Nay Cristy.
“Meron akong nakuhang impormasyon tungkol kay Diego na talagang ibang klase! Ilalaan natin ‘yun sa susunod na episode ng CFM,” sabi ni 'Nay Cristy.





Comments