top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

Ibang-iba raw kay Mommy D. na todo-simangot… FIANCEE NI JIMUEL, PALANGITI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 8, 2026



Jimuel Pacqioao - Instagram

Photo: IG emmanuelpacquiao



Bumida rin ang ina ni boxing champ Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia Dapidran-Pacquiao sa get-together ng kanilang pamilya sa Amerika.


Sa unang pagkakataon ay nakilala ni Mommy D ang partner ni Jimuel Pacquiao sa US na si Carolina Pimentel. Ito ang ina ng apo sa tuhod ni Mommy D na si Baby Clara.


Ibinahagi ng long-time partner ng ina ni Pacman na si Mike Yamson ang naging pagkikita nito at ng misis ni Jimuel.


Sa caption ng kanyang post ay tila kinumpirma rin niya ang nalalapit na pag-iisang-dibdib ng anak ni Pacman at ni Carolina.


Caption niya sa IG post ng larawan nina Mommy D at Carolina, “Mommy D masaya sa pagkikita nila ni Carolina, ang magiging asawa ni Jimuel po.”


Nagbigay naman ng kani-kanilang reaksiyon ang mga netizens tungkol kay Carolina.

Sey ng mga netizens:


“Mukhang mabait ang sweetheart ni Jimuel. Maaliwalas ang mukha kaya lalo s’yang gumaganda.”


“Parang mas matanda ang asawa ni Jimuel, pero mukhang mabait.”


“Kahawig n’ya si Shalani Soledad, dating host ng Wowowin. Payat version lang si Shalani pero magka-lookalike talaga sila.”

“Kahit walang makeup, guwapa.”


“Parang napipilitan ‘yung babae sa nanay ni Pacman. Ano’ng lahi ba ang asawa ni Jimuel?”

“Beautiful ang misis ni Jimuel. Mabait ang napangasawa ng anak ni Manny. Palangiti.”

“Oo nga, nakatutuwa s’yang tingnan, ‘di katulad ng mama ni Ma’am Jinkee (Mommy D), palaging nakasimangot, parang s’ya ang gumagastos sa mga lakad nila.”

Talaga ba?





HANDANG labanan ng award-winning director na si Nijel de Mesa ang paglaganap ng deepfakes at pekeng endorsements.


Sa panahon ngayon, kaya nang gayahin ng Artificial Intelligence (AI) ang mukha, boses, at maging ang personalidad ng isang tao. Maaari kang makita sa isang video na hindi mo naman ginawa o ginamit ang iyong mukha sa isang advertisement na hindi mo inaprubahan.


Dahil dito, inilunsad ng Pinoy filmmaker at tech entrepreneur na si Direk Nijel de Mesa ang kauna-unahang AI Protection and Licensing Ecosystem sa mundo na tinatawag na NDM Verified Doppel.


Ayon kay Direk Nijel, “Kung ‘di mo kontrolado ang AI version mo, iba ang gagawa nito. Ngayon pa lang, nanganganib na ang lahat. Kaya nang kopyahin ng AI ang mukha, boses, at pagkatao ng isang tao. Lumalaganap ang deepfakes, fake endorsements, at iba’t ibang uri ng panloloko online.”


Sa halip na katakutan ang AI, mas mabuti umanong gamitin ito upang makalikha ng mga bagong oportunidad para sa mga artista at content creators.

Layunin ng NDM Verified Doppel na protektahan ang mga artista laban sa deepfake pornography, pekeng endorsements, voice cloning scams, social media impersonation, at iba pang uri ng online abuse.


Ginanap ang engrandeng launching noong Hunyo 4 sa Perfect B Lounge sa Quezon City (QC) kung saan dumalo ang maraming artista at personalidad.

Kabilang sa mga dumalo sina Arci Muñoz, Richard Quan, Krista Miller, Lance Raymundo, Angeli Khang, Fabio Ide, Moymoy Palaboy, Anthony Ocampo, Lovely Rivero, Alma Concepcion, at marami pang iba.


Mayroon ding proprietary monitoring technology ang NDM na nagbabantay 24 oras sa internet upang matukoy kung may gumagamit ng AI likeness ng kanilang mga kliyente nang walang pahintulot.


Kapag may natukoy na kahina-hinalang paggamit, maaari itong maimbestigahan at mabigyan ng kaukulang aksiyon.


Bukod sa proteksiyon, maaari ring pagkakitaan ng mga artista ang kanilang AI personas sa pamamagitan ng NDM Verified Doppel.


Sa ilalim ng platform na NDM Plus, maaaring mag-apply ang mga negosyo upang legal na gamitin ang AI version ng isang celebrity para sa kanilang advertisements at promotions.


Ibig sabihin, kahit nasa probinsya o ibang bansa ang isang negosyo, maaari itong kumuha ng lisensiya upang magamit ang AI image ng isang artista para sa kanilang marketing campaigns.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page