Ibang celebs, durog na durog… DAWN, LANTARAN ANG SUPORTA KINA BBM-SARA PERO NEVER NA-BASH
- BULGAR
- May 21, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | May 21, 2022

May mga nag-comment sa Instagram ni Dawn Zulueta na bakit daw ang aktres, hindi ipinanawagang i-cancel, hindi na-bash at walang sumugod sa IG nito para siya’y awayin dahil ang UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang sinuportahan sa katatapos na eleksiyon?
May post pa si Dawn na nakasuot ng jacket na may nakasulat na BBM, may baller din nina BBM at Sara, pero hindi siya na-bash. Pinuri pa si Dawn dahil matapang daw na idineklara kung sino ang sinuportahan niya.
May nag-comment pa nga na kahit magkaiba raw ang kanilang kandidato, mahal pa rin niya si Dawn at nag-iisa niyang idolo. Hindi rin daw nawala ang respeto niya sa aktres.
Unfair nga yata, paano kaya ang ginawa ni Dawn para hindi ma-bash at hindi ma-cancel ng Kakampink?





Comments