top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Ibang celebrities, puro libre lang… PSA, KUMANTANG SI BEA LANG ANG BINAYARANG AMBASSADOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 31, 2023



Sa September 4 na pala sisimulan ang nationwide census ng Phil. Statistics Authority (PSA) bilang ang buwan na ito ang National Agriculture and Fisheries Census Month.


Last month nga lang ay kinuhang latest ambassadress ng PSA for Agriculture and Fisheries ang aktres na si Bea Alonzo dahil it's an open book naman na nagmamay-ari ng malaking farm sa Zambales ang fiancée ni Dominic Roque.


So, malaking tulong nga naman kung isang celebrity ang magpo-promote ng nationwide census na gagawin ng PSA para sa sektor ng pangingisda at agrikultura dahil sikat sa buong bansa si Bea at nakaka-relate ito sa usapin ng pagsasaka.


Aminado naman sina PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa at Ms. Minerva Eloisa Esquivias (Officer in Charge, Deputy National Statistician) na malaking tulong talaga si Bea bilang ambassadress lalo nang lumabas ang TV commercial nito dahil naging aware ang maraming kababayan natin sa gagawing census ng PSA ngayong September.


Kaya lang, may ilang netizens ang hindi nagustuhan ang pagkuha ng PSA ng celebrity endorser at kinuwestiyon ang talent fee ni Bea. Iniisip ng ilang netizens na dahil sikat si Bea, hindi ito papayag sa maliit na talent fee lang, na siyempre, galing sa pondo ng bayan.


Paglilinaw naman nina Usec Mapa at Ms. Esquivias, halos 'charity' lang ang tinanggap na talent fee ni Bea bilang tulong na nga rin nito sa programa ng ahensiya ng gobyerno at dahil may third party service provider, wala raw silang idea kung magkano exactly ang ibinayad sa aktres.


Idiniin din nila na bagama't may iba pang celebrities na nagpo-promote rin ng 2022 Census of Agriculture and Fisheries (CAF) tulad nina Nash Aguas, Mayor Richard Gomez, Daniel Fernando, Mariel Rodriguez at Bea Binene, wala raw talent fee ang mga ito at kumbaga, pro bono lang.


Anyway, nananawagan ang PSA sa mga kababayan nating magsasaka at mangingisda na makiisa sa gaganaping 2022 CAF simula sa Sept. 4 at magtiwalang magbigay ng impormasyon na hihingin ng mga PSA enumerators.


Every 10 yrs. lang daw ginagawa ang ganitong survey na kakailanganin ng ating mga legislators para maging basehan sa kanilang mga gagawing programa at polisiya para sa sektor ng agrikultura at pangingisda.


So, there!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page