Iba't ibang pakulo sa mas safe na paggunita ng Undas
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 31, 2021
Ang Undas ay panahon upang alalahanin ang ating mga namayapang mahal sa buhay.
Ngunit sa pangalawang taon ay isinarado ulit ang mga sementeryo upang maiwasan ang superspreader events ngayong pandemya.
Kung kaya’t marami sa atin ang maagang pumunta sa puntod ng ating mga mahal sa buhay para makaiwas sa siksikan at kapal ng tao.
Ang iba naman ay nakaisip ng iba’t ibang paraan upang i-share ang okasyong ito sa ating mga kapamilya tulad na lamang ng isa nating kababayan na nag-livestream ng kanilang pagdalaw sa sementeryo.
☻☻☻
Kasabay ng ating pag-alala sa ating mga namayapa, sana ay gunitain din natin ang mga frontliner na nagbuwis ng buhay para labanan ang pandemyang ito.
Isang magandang pag-alala sa kanilang mga ginawa ay ang pananatili nating malusog, at ang patuloy na pagsunod sa basic safety and health protocols, lalo na kung lalabas ng bahay.
Ang pagpapabakuna ay isa ring paggunita upang lalo pa nating maprotektahan ang ating sarili at mga kasama.
☻☻☻
Kahit ibinababa na ang alert level sa Kamaynilaan, sana ay umiwas muna tayo sa mga matataong lugar hangga’t maaari. Hindi pa rin kasi natin lubos na natatalo ang COVID-19, lalo na at patuloy ang mutation ng virus.
Kung kaya’t paalala natin sa mga kinauukulan na maglagay ng maayos na sistema sa mga parke at pampublikong lugar tulad ng dolomite beach sa Manila Bay upang maiwasan ang community transmission.
Isa rin itong eye opener upang isipin muli ng national at local governments ang kahalagahan ng green at open spaces, lalo na sa konstekto ng new normal.
Kailangang pag-isahin at bigyang-halaga ang iba’t ibang perspektibo, lalo na ang public health,
sa pagpaplano at pagpapatupad ng urban planning upang makalikha ng pinakamainam na environment para sa ating lahat.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments