top of page

Iba na 'to, Daniel... ALDEN AT KATHRYN, NANOOD NG SINE SA BGC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2024
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 8, 2024



Showbiz Photo
File photo: Kathryn at Alden / Niceprint Photo

Well, kung ano mang nabubuong 'deeper' relationship between Kathryn Bernardo and Alden Richards ay isang magandang balita para sa kanilang mga taga-subaybay.


Sa halos sunud-sunod kasing balita sa kanila, aakalain mo talagang meron ng magandang ganap ang dalawa.


Ang latest nga ay ang panonood nila ng sine sa BGC (Bonifacio Global City), kasama ang beshie ni Kath na si Alora Sasam. Kung date man ‘yun or what, basta masaya, gora na hahaha.


On the marketing side, iisipin na lamang naming nag-iinvest ang dalawa ng maganda at positive vibes para sa kanilang upcoming movie to be shot abroad. Mauuna nga daw na kunan ang ilang eksena sa Hongkong, then sa Canada na ang rest of the movie.


Nakaka-pressure nga namang higitan ang unang tambalan nila noh, kaya aabangan natin ang mga susunod na ganap.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page