Iba na raw ang purpose niya… KRIS, NEVER NANG MAGBABALIK-TV KAHIT GUMALING PA
ni Nitz Miralles @Bida | October 04, 2023

Sinasagot ni Kris Aquino ang mga nagpaabot ng tuwa sa magandang ibinalita niyang gumaganda ang kanyang lagay at very hopeful ito na makakauwi sila ng bansa ng kanyang mga anak after 16 months na nasa Amerika siya para magpagamot.
Binabasa ni Kris ang mga nagko-comment at nagme-message sa kanya at may nag-comment na Ronin Leviste na for sure related kay Marc Leviste.
Sa comment nitong “Almost there! Andrea and I are always praying for you TK,” ang sagot ni Kris, “@roninleviste much appreciated VM Ronin.”
May sagot din si Kris sa nagsabing magpagaling siya para makabalik na sa TV dahil nami-miss siya.
“I would love to but I’ve changed so much, and experienced life’s pain and sorrow. I’m now a different me with other missions in my mind.”
Anyway, tsinek namin ang Facebook page ni Marc Leviste at nakita naming naka-post pa rin ang photo na magkasama sila nina Sen. Robin Padilla at Phillip Salvador na mga ex ni Kris. Ang post lang ni Marc sa Instagram with the same photo ang kanyang binura.





Comments