Iba kay Derek na absent sa first b-day ng anak… ELLEN, PURING-PURI SI JOHN LLOYD NA MABUTING AMA KAHIT HIWALAY NA SILA
- BULGAR

- 5 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 19, 2025

Photo: IG _maria.elena.adarna & _johnlloydcruz83
Winner talaga ang aktor na si John Lloyd Cruz pagdating sa pagiging ama.
Sa Instagram (IG) post ng aktres na si Ellen Adarna ay may netizen na nagtanong kung anong klaseng ama ito para sa kanya.
Tanong ng netizen, “Are you and John Lloyd okay?”
Sey ni Ellen, “With John Lloyd, wala talaga akong masabi. I have nothing but good things to say about him.
“We had our differences in the past but I respect him because he is a very good provider. He is honest and he is a very present father. Take note, nu’ng naghiwalay kami ni JL, that was before Elias turned one year old. Present s’ya.”
Matatandaan na kamakailan lang ay nagdiwang din ng ika-isang taon na kaarawan ang anak nina Ellen at Derek Ramsay na si Baby Lili pero absent si Derek sa birthday party ng anak.
BONGGA ang istorya ng pelikulang nabuo dahil sa larong jackstone.
Ang pelikulang Jackstone 5 ay nakasentro sa isang grupo ng mga queer na lalaki na nasiyahan sa paglalaro ng jackstones at iniidolo ang ‘Jackson 5’, partikular na si Michael Jackson, noong kanilang kabataan.
Tinanong ni yours truly ang mabait na aktor na si Arnell Ignacio kung ano ang masasabi niya sa pelikula.
Saad ni Arnell, “Comedy. Sobrang nakakatawa ang pelikulang Jackstone 5, at kahit drama na ang scene na kinukunan ay talagang natatawa ka pa rin.”
Kuwento pa niya, “Hirap na hirap akong gumanap ng bakla rito. ‘Yun naman kasi ang tunay kong pagkatao. Baka mas mahirapan pa ako kung sabihin mong nagtatago. Kaso hindi ko naman maitatago ‘yun dahil nag-asawa naman ako.
“Natutuwa ako sa movie na ito kasi hindi ko na kailangan pang iarte ito dahil ito naman ang personalidad ko.”
Sa panayam sa preskon ng Jackstone 5 ay naibahagi rin ng mahusay at multi-awarded na direktor at aktor na si Direk Joel Lamangan na sa tatlong dekada niya sa pagdidirek ay ngayon lang siya gaganap na artista.
At sinabi rin ni Direk Joel na napapayag siyang gumanap bilang artista sa pelikulang Jackstone 5 dahil sa mahusay na line producer na si Dennis Evangelista.
Kuwento ni Direk Joel, “Sa tatlong dekada ko na pagdidirek, ngayon lang ako gaganap na artista. Naka-rely ako sa aking mga tao sa kabuuan ng pelikulang ito.
“Gaganap akong bakla, although gumaganap na akong bakla sa TV araw-araw bilang Rhoda (sa Batang Quiapo). Pero hindi ito si Rhoda.
“Ang mahirap sa role ko ay ‘yung nabuko na ako at malayang-malaya na akong maging bakla. Mas higit pa ‘yun kay Rhoda. ‘Yun ang challenge sa akin.”
In fairness, sa preskon pa lang ay nakakatawa na ‘pag nagkukuwento ang mga bida sa Jackstone 5 na sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, Abed Green, John Mark Marcia at Direk Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula.
‘Di ba naman, BFF Dennis C. Evangelista?
“OUR first family outing,” ito ang sinabi ng aktres na si AJ Raval sa kanyang Instagram (IG) story.
Nagbahagi siya ng video clip kung saan makikita na kasama niya ang aktor na si Aljur Abrenica at ang kanilang mga anak sa kanilang kauna-unahang family outing.
Saad ni AJ, “With all my heart and deepest respect, I give all the glory back to You, Lord. Thank You for every blessing, for every moment of grace, and for saving me in ways I can never fully express.
“Today, on our first family outing and this Thanksgiving Day, my heart overflows with gratitude for Your love that never fails.”
Anyway, kung ang pamilya nina AJ Raval at Aljur Abrenica ay nag-outing kasama ang mga anak, ang mahusay na aktres naman na may pusong mapagparaya na si Kylie Padilla ay ipinasyal ang mga anak nila ni Aljur sa children’s park sa Japan.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments