Iba ang kasama… KATHRYN, LUMIPAD PA-THAILAND, DANIEL NAIWAN SA 'PINAS
- BULGAR
- Dec 10, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 10, 2022

Super-kilig ang mga KathNiel fans sa lumabas na video kung saan ay makikitang inihahatid ni Daniel Padilla ang girlfriend na si Kathryn Bernardo sa airport.
Si Kathryn mismo ang nag-post ng video last Thursday sa kanyang Instagram page.
Makikita rito ang paghahatid sa kanya ni Daniel at ang pamamaalam niya sa boyfriend bago siya tumulak patungong Thailand kasama ang inang si Min Bernardo.
May work si Kathryn sa Thailand base na rin sa kanyang caption na “Work and play.”
Makikita sa video na nagpapaalaman sila ni Daniel sa Ninoy Aquino International Airport.
Sey ni Kathryn, “Bye lover.”
Sagot naman ni Daniel, “Ingat” sabay-kaway.
Nag-post din si Mommy Min ng video na makikitang inihahatid sila ni Daniel sa airport. Caption niya, “May paghahatid.”
Komento ng isang netizen, “Stay safe, Team Kathryn! At kinilig naman ako ru'n sa 'Bye lover!'”





Comments